MUSIKA

109 1 0
                                    

Sa pagkumpas
Ng iyong mga kamay
At ganda ng himig
Na iyong tinataglay

Sinimulan sa tunog
Na malalim ang nilalaman
May mga salita
Na mahirap maunawaan

Kasabay nito ang pagsilay ng matatamis na ngiti
Tila tinatanggal ang naramdamang hapdi
Tila pinasasayang muli
Na nalalahukan ng konting pagtili

Ang bawat liriko
Ay tila panama sa aking puso
Sa pusong pilit na binubuo
Sa kanta mo lang muling tatakbo ng husto
Sa kanta mo lang muling magmamahal ng ganito

Bawat himig ay dinaramdam
Na para bang nararamdaman ko ang iyong pagmamahal
Hindi makakaramdam ng alinlangan
Mahal, nahanap ko na ang taong aking inaasam
At iyon ay nasa aking harapan

Di mag aatubiling ikay sabayan
Upang sagutin ang tanong mo na idinaan sa kantahan
Oo mahal
Ikaw din ay aking naiibigan
At handa kitang samahan
Kahit ang buhok ay pumuti man
Kahit marating natin ang dulo ng walang hanggan
Handa akong samahan ka
Kahit sa pagkanta ng napakaraming musika
Sasamahan kita
Hanggang mapaos tayong dalawa
Basta sasamahan kita

SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon