PANGAKONG WALANG NATUPAD

119 2 0
                                    

Sa ating pagmamahalan
Na punong puno ng mga salitang nagpapatibay ng ating samahan
Ng mga salitang saakiy nagbibigay kagalakan
Mga salitang ang matamis mong labi ang pinanggalingan

Nagsimula sa pagsagot ng oo,
Pagbigkas ng mahal mo rin ako,
Pinagtibay ng mga pangako,
Pangakong magtatagal tayo.

Sa pagtagal ng relasyon,
Ay pagtagal ng sumpaan natin noon,
Na akala ko'y aabot sa magpahanggang ngayon,
Kaya ito'y nagsisilbing aking inspirasyon,
Para mahalin pa kita ng lampas sa limitasyon.

Mga pangakong kay ganda sa pandinig,
Nagpapatamis ng ating pag ibig,
Pangakong pang habang buhay,
Na para bang hindi na tayo maghihiwalay.

Hanggang sa ang tadhanay hindi sumang ayon,
Kung saan ang puso koy nawasak ng wala sa panahon
Ang pag asang akoy hindi iiwan,
Ay naglaho dahil sa hindi malamang dahilan.

Nasaan ang pang habang buhay na pagmamahalan,
Ang pangakong aabot tayo sa kasalan,
Na hindi tayo hahantong sa hiwalayan,
Na magpahanggang wakas akoy sasamahan,
At ipaglalaban ang pag iibigan,
Kahit anong hirap man ang daanan.

Bakit tila ang mga salitay bula,
Bigla bigla na lang nawawala,
Naglahong lahat at nabaliwala,
Na para bang ni minsay hindi nabigkas ng iyong mga labi,
Noong panahong mahigpit pa saakin ang iyong pagkakatali
Na sa aking tabi ay ayaw mo ng lumisan kahit sandali
Bakit tila binaon sa nakaraan at di na nahanap pang muli
Na ang tayoy waring panaginip lang sa gabi
Kinabukasan paggising ay tila ba walang nangyari

Sa dami ng iyong mga pangako
Ang bawat salitay sugat sa aking puso
Sa dami ba naman ng nasabi mo
Kaya kay hirap limutin ang kahat ng ito

Ang sakit lang isipin at isa puso
Hindi lubos matanggap ng tulad ko
Na ang lahat ng iyong mga pangako
Ay ang kapares ng martilyo
Kinalimutan, di natupad, at lahat ay na PAKO

SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon