Pangako
Pangako pangako pangako
Pangako babalik ako
Pangako magkikita muli tayo
Pangako magkakasama ng muli tayo
Hindi ako magtatagal
Babalikan din agad kita mahalPangako na nasambit mo nung ikay lumisan
Lumisan na kahit na ikay nagpaalam ay hindi ko napigilang masaktan
Sa panahong alam kong walang kasigurahan
Kasigurahan kung ako nga ba'y iyong babalikanPero kahit na gayoy pilit kang pinaniwalan
Pinaniwalaan ang apat na salitang iyong binitawan
Kahit na konting pag asay hindi kakakitaan
"Mahal ika'y aking babalikan"Hinintay kita
Kahit na itoy nagpapalungkot sakin nang sobra sobra
Kahit na minsan ay hindi ko na kaya
Gusto na kitang makita
Masyadong malaki ang aking tiwala
Para isiping
Hindi ka na babalik saaking pilingBinilang ko ang bawat segundo
Ang bawat minuto
Ang napakaraming buwan nang tayoy magkalayo
Ang mahigit isang taong lumipas nang huling maramdaman ang presensya mo
Nagbilang akoHindi nawalan nang pag asa
Patuloy kang inaalala
Kasabay ang patuloy na pamamasa nang aking mga mata
At pag asang makikita pa ulit kita
Dahil babalik ka
Babalik kaNangako ka
At akoy umaasang tutupad ka
Tutupadin mo ang mga binitawan mong salita
Salita na binigkas mong mo kasabay nang iyong pagluha
Mahal mo ko
Kaya alam kong babalik ka
Babalik ka
Yan ang pangako mo
Bago mo ko tuluyang iwan nang mag isa
Sinabi mong babalik ka
Kaya hihintayin kita

BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PoetryTula ng mga sawi......sa oras ng kalungkutan ,kasiyahan,kiligan....hinding hindi ka bibitawan bagkus bubuksan ang iyong isipan upang tuluyang maunawaan kung bakit sa pagmamahal ay parati na lamang nasasaktan