Pasensya
Sa pag ibig na pansamantala
Sa pag ibig na aking tatapusin na
Sa pag ibig na hanggang dito na lamang pala
PasensyaAlam kong ang nais moy pang matagalan
Pasensya kung ako man ay kulang
Pasensya sa hindi sapat na pagmamahal
Mahal, pasensya kung ikaw nay bibitawanKesa mahal,
Habang tumatagal
Unting unti kong naiintindihan
Na hindi kailan man sasapat ang aking pagmamahalPatawad kung ang kapalit ng pagmamahal
Ay ang aking pagbitaw
Kung ang malamig na gabi
Ay hindi matatapos at ang araw ay hindi na lilitawPatawad kung nanaisin kong ikaw mawala
Kesa ikulong ka sa relasyong walng ligaya
Patawad mahal
Kung ikay lilisanin
Patawad
Kung itoy mababaw lang kung iisipinPatawad kung hanggang dito na lang ang pagikot ng mundo
Kung hanggang dito na lang ang ikaw at ako
Patawad sa mga hindi natupad na pangako
Patawad kung akoy sumusukoWag kang mag alala sa aking pagkawala
Meron darating sayo na mahahanap mo ang tunay na ligaya
Ipaglalaban ka nya
Mamahalin ng sobra sobraPatawad
Kung hindi kita mapipigilang ibigin sya
Kung sakaling mahal pa kita
Kapag dumating sya

BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PoetryTula ng mga sawi......sa oras ng kalungkutan ,kasiyahan,kiligan....hinding hindi ka bibitawan bagkus bubuksan ang iyong isipan upang tuluyang maunawaan kung bakit sa pagmamahal ay parati na lamang nasasaktan