KUNG IKAW AY LALAYO

191 2 0
                                    

Di na natin kaya
Ang mga bagay na pilit sumisira sa ating dalawa
Ang mga bagay na isinigaw na ang salitang SUMUKO KA NA
iwan mo na sya

Di mo na kaya
Kaya bubuksan ko na ang aking mga bisig para palayain ka
Para magdesisyon kung lalaban ka pa ba
Para mag isip kung kaya mo pa
Kahit Kita sa iyong mga mata
Na hindi mo na kya

At kung ikaw ay lalayo
Wag mo sanang kakalimutan ang isang tulad ko
Ang mga alaalang magkasama nating binuo
At naging parte ka ng masasayang alaala sa buhay ko

Kahit puro ito pait
Kahit puro galit
Kahit na itoy pagmamahal na pilit
Pero patuloy ka paring kumapit
At ngayo'y napagod , bumitaw at nagdulot ng sakit

Wag mong kakalimutang pede ka paring bumalik saakin
Na ika'y mahal ko parin
Na ang iyong pagbabalik ay handa kong hintayin
Handang handa parin akong ika'y lubos na ibigin

Kahit ako'y iyong sinukuan
Kahit ako'y iyong iniwan
Mas matumbas parin ang nararamdaman sayong pagmamahal
Kesa sa galit at puot na aking naramdaman
Nung ako'y iyong binitawan

Pero ipinapangako ko sayo
Sa iyong paglayo
Aayusin ko ang sarili ko
Ang buhay na pinasaya't binago mo
At pinapangakong hindi na lilingon sa iba
Para sumaya
Kase alam kong babalik ka
Magsasamang muli tayong dalawa
Kase mahal natin ang isat isa

At tandaan mo ang mga katagang ito
Iwan mo man ako
Saktan mo man ako ng mas malala pa dito
Lumayo ka man
Di magbabago ang akong isipan at nararamdaman
Handa kang ipaglaban
Kahit ikaw na yung sumuko at nangiwan
Kahit ako na yung sobrang nasasaktan

Wag mo sana iyang kakalimutan

SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon