Oo torpe ako
Hindi ko maihayag ang tunay na nararamdaman ko
Hindi ko masabi kung gaano pinapatibok ng tulad mo ang puso ko
Hindi ko ma amin kung gaano ako kabaliw sayoAlam kong iyo na itong napapansin
Sa pag tataka palang ng iyong mga tingin
Sa pagbigkas mo palang ng mga salita saakin
Na para bang sinasabi na alam mo na akoy sayoy may pagtingin
Pero akin itong paninindigan
Itatago ang tunay na nararamdaman
Baka sakaling hindi magbago ang ating turingan
Hindi ako layuan at ipagpatuloy ang ating pagkakaibigan
Mahirap din kaseng angkinin ka
Lupa ako, langit ka
Pangit ako, maganda ka
Mahal kita at hindi ko alam kung ang isang tulad ko ba sayo'y may halaga
Pero mahal bigyan mo lang ako ng karapatan
Ibubuhos ko lahat ng aking pagmamahal
Ipagtatapat ko ang tunay na aking nararamdaman
At ipararamdam sayo ang tunay mong kahalagahan
Lulunudin ka sa aking pag mamahal
Pupunan ang pag mamahal na sa kanilay hind mo naranasan
Ibibigay lahat lahat ng iyong pangangailangan
At gagawin ang lahat wag ka lang manawa at akoy iwanan
Ang bituin ay hindi ko tatangkaing sungkitin
Dahil sila ang sasaksi kung gaano ka kahaalaga sa akin
Sila din ang sasaksi sa pag mamahalan natin
Na nagsimula sa pagkakaybigan
At hindi magtatapos sa salitang iwanan
Pero dahil torpe ako
Idadaan ko na lang sa tula ang sinisigaw ng puso ko
Ikaw ang inspirasyon ko sa pagbuo nito
At ng dahil sayo nagkaroon ng kwenta ang papel at ballpen sa bag ko
Mahal, sana akoy iyo ding gusto
Handa akong maghintay hanggang sa pupwede na ang salitang TAYO
Ipangangako ko saiyo na ako na ang lalaking magpapaligaya sayo
At ako na rin ang makakasama mo hanggang dulo
Sana mabasa mo ito
Dito lang kase lumakas ang loob ko
Para masabi sayo lahat lahat ng pag amin ko
Na ikay mahal ko at handang ipagsigawan ito sa buong mundo
Kahit na gaano pa ako katorpe sa paningin mo
Mahal kita
At wala kng magagawa
Kundi ang suportahan ako°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
Please vote po!!
Thank you
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PoetryTula ng mga sawi......sa oras ng kalungkutan ,kasiyahan,kiligan....hinding hindi ka bibitawan bagkus bubuksan ang iyong isipan upang tuluyang maunawaan kung bakit sa pagmamahal ay parati na lamang nasasaktan