Bulong
Bulong na pilit kong tinatakasan
Bulong na tila bay pauulit ulit ko nang napapakinggan
Bulong na kahit anong pikit koy hindi ako nilulubayan
Bulong na hindi ko malaman kung kailan ako titigilanHindi ako baliw
Tulad nang tumatakbo sa inyong isipan
Hindi sira ang aking ulo
Tulad nang binibigkas nyu sa tuwing akoy mamataan
Hindi ako masama
Tulad nang sinasabi nang mapanghusga nyung katauhanHindi ko kasalanan kung bakit naririnig ko sila
Sumisigaw, umiiyak, at kung minsay pay masasaya
Hindi ko kasalanan na paulit ulit nila akong nilalapitan
Hindi ko din kasalanan na silay mapakingganHindi ko ginusto
Na lagi nila akong ginaganito
Hindi ko hiniling na makasama sila sa kwarto kong madilim
Hindi ko alam
Kung paano nila ako lulubayanHindi ako isang baliw
Kaya bakit nila ako ipinatapon sa kwartong ganito kadilim
Hindi ako baliw
Pero bakit ibinibintang nila saakin
Ang kasalanang hindi ko kayang gawin
Hindi ako baliw
Sadyang mas masaya lang kausapin ang sarili
Dahil hindi nya ako itunuturing isang malaking pagkakamaliHindi ako baliw
Kase alam ko ang lahat nang ginagawa ko
Mula sa simula hanggang makarating ako dito
Tandang tanda ko pa ang alaalang sa akiy nagpapalito tandang tanda ko pa
At malinaw pa sa aking isipan lahat nang itoHindi ako baliw
Dahil ang mga bulong na aking napapakinggan
Ay tila ba mga musika
Hindi nila pinaparamdam na akoy nag iisa
Hindi nila pinararamdam na wala na sila
Nagiging kausap ko ang mga bulong na ito
Pinatawa nila ako kahit hindi ko ginugusto
Hindi ako baliw
Alam ko ang nangyari sa kanila
Alam ko kung bakit ako naririto
Alam ko kung bakit at paano
Alam kong nasa tamang katinuan ako
Dahil nung ginawa ko lahat nang iyon
Masarap sa pakiramdam
At nais kong maulit pa iyon
Pero sa sandaling ito
Nais kong abangan nyu kong paano akong nakulong dito
At ipaparamdam sa inyo ang naramdaman nag mga taong binabanggit ko
Hindi ako baliw
Mahilig lang akong makipag laro-wait the second part...d0-0b

BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PoesieTula ng mga sawi......sa oras ng kalungkutan ,kasiyahan,kiligan....hinding hindi ka bibitawan bagkus bubuksan ang iyong isipan upang tuluyang maunawaan kung bakit sa pagmamahal ay parati na lamang nasasaktan