MALI PERO PARANG HINDI

113 4 0
                                    

Tama pero parang hindi
Hindi pero parang mali
Hindi, kase parang imposible
Hindi, kase kaya naman nating gawing posible

Mga nakakalitong katanungan
Ang nagpagulo sa ating pagmamahalan
Mali para sa iba
Pero sa isat isa alam nating tama
Nakakalito naminsay kakakitaan na nang mali
Ngunit kahit mali atin pang maspinipili

Mali nga ba?
O gustong talaga nilang hadlangan ang tayong dalawa
Kase kahit kalkyulahin
Kahit sa ibat ibang linguahiy isalin
Pag aralan pa natin
At isa isahin
Wala ang ipinipilit nilang mali
Mali bang magpatali?

Walang araw na hindi ko ninais na malaman
Baka kase tama kayo na ako lamang ay nabubulagan
Ngunit pano ko kayo magagawang paniwalaan
Kung sa saya nitoy parang pinapawi na ang kamalian

Paulit uli kong inisip kung paano
Paano masasabing mali ang ganitong paraiso
Paraiso na tinurin ko nang mundo
Magmula nung makilala ko ang taong ito
Paano

Pero
Wala nga talagang nanatiling sikreto
Itago mo may pilit lumitaw nang kusa ang bagay na ito
Takpan mo man ngunit hindi na talagang maitatago
At dun ko naisip na mali ngang talaga

Mali kase hindi tama
Mali kase may nasasaktang iba
Mali nga kase hindi naman pede na tayong dalawa
Mali kase hindi hindi ako ang iyong prinsesa
Mali kase ang ginagampanan ko ay responsibilidad nang iba
Maling mali pero bakit pakiramdam koy tama
Tama kase napapasaya kita
Tama kase nag mamahalan tayong dalawa
Tama kase ako yung nandito pag wala sya
Tama kase kulang ang salitang mahal kita
Para ipaliwanang kung gaano ka kahalaga

Pano mo masasabing mali
Kung ako ang nasa posisyon para alagaan sya
Paano mo masasabing mali kung nung wala ka
Ako yung nasa tabi nya

Mali pero parang hindi
Tama pero parang mali
Tama kase ikaw ang pinili
Pero sa akin sya nakatali

SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon