LALABAN PABA AKO

99 1 0
                                    

Naglalakad ako sa dilim
Habang inaalala ang sariwang nangyari sa atin
Inaalala kung paano mo nagawang magtaksil
Kung paano mo mas ninais bumitaw saakin

Kasabay nito ang tila
Pangingilid ng aking luha
Hindi mahinuha kung kaya ko pa ba
Kung kaya ko pa ba na tiisin ang harap harapan mong pag hahanap ng iba
Kung kaya ko pa bang masaktan ng sobra
Kaya ko pa nga ba

Handa pa ba akong tanggapin ang lahat tulad ng dati
Magpakatanga at magkunwari
Magkunwari na ni minsay hindi nakararamdam ng hapti
Handa pa ba ankong pigilan ang nagbabadya kong paghikbi
Sa pananakit mong muli
Handa pa ba ako
Kaya ko pa ba kahit konting sandali

Lalaban pa ba ako
Sa labang alam kong akoy matatalo
Sa labang akoy dihadong dihado
Sa labang alam kong sa huli ay lugi lamang ako
Sa labang ako lang ang sumasalo
Lalaban pa ba ako
Lalaban pa ba ako
Kung ikaw na mismo
Ang magiging kalaban ko
Kung ang puso mo mismo
Ay tinatakwil na ang tulad ko
Kung ang buo mong pagkataoy handa ng kalimutan ang tayo
Lalaban pa ba ako
Pipilitin pa ba kitang muling kumapit
At hahayaang makaramdam muli ng sakit
Patuloy pa ba akong lalapit
Kung ikaw mismo papalayo akong hinahapit
Pipilitin pa ba kita

Kahit na alam kong wala na talaga
Pipilitin pa ba kitang bumalik saakin
Kahit na alam kong imposible na
Lalaban pa ba ulit ako para sa atin
Kahit alam kong ayaw mo na
Pagmamahal moy akin bang muling hihilingin
Hihiling bang muli ako tulad noon
Hihilingin ko pa bang ibalik ang muli ang panahon
At buburahin lahat ng sitwasyon
At muliy simulan ngayon
Yung wala ng mananawa
Yung wala ng hahanap mg iba
Yung dalawang karakter na kontento na sa isat isa
Yung ikaw na akoy mahal na mahal mo pa
Hihilingin ko bang muli mapasakin ka
Kahit napakaimposible na

SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon