tmyeag

20 0 0
                                    

Di mapigilang pagkatulala
Sa hangin na tila lamig ang pinadadama
Habang nakikinig sa musika
At ang bagay bagay ay paulit ulit na inaalala
Alam kong wala na pero
Umaasa na sana hindi ito totoo
Umaasang sana hindi planado
Sana nagkataon lamang na tayo ay pinagtagpo
Pero hindi itinadhana
Hindi habang buhay na pinagsama
Hindi sapagkat gaya ngayon ay lumisan ka
Ngayon ay wala ka na
Wala na
Kahit paulit ulit na naising mahagkan kang muli
Kahit hilinging matikman muli ang matatamis mong labi
Ipangakong mamahalin ka hanggang huli
Pero di na maaari
Kahit ilan pang baka sakali
Iluluha nalamang ang nararamdamang hapdi
Sapagkat wala na ang ikaw na aking pag mamay ari
Ni minsay hindi ako nagalit
Ni minsay hindi ako namilit
Hindi ako naghinanakit
Hindi kailanman
Dahil tanggap kong hanggang dito na lamang
Pero hindi ibigsabihin ay tuluyan kang kakalimutan
Di mangungupas ang aking pagmamahal
Hanggang sa huling yugto ng aking buhay
At makasama ka nang muli mahal
Makasama ka sa pariisong iyong tinatambayan
Ipararamdam ang nararamdaman mong kasiyahan
Mahal handa akong mahalin ka
Magkaiba man ang ating mundong ginagalawan
Mamahalin pa rin kita
Kahit kamatayan ay hindi tayo mahahadlangan
Mamahalin pa rin kita
Hanggang sa huli kong hininga

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 30, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon