Sana sa panahong pede na pede pa
Handa naman ako na muli ay mahalin ka
Handa naman ako na ika'y muling mapasaya
At handang gawin ang lahat maibalik lang ang dating tayong dalawaHindi ko na uulitin ang masasakit na nagawa ko sayo
Hindi ko na uuliting ipagpalit ka sa ibang mas ok kesa sayo
At hindi ko na pipiliting gawin mo lahat ng gusto koMadadala na ako kase iniwan kita
Iniwan kita nang hindi nag iisip at nagpapasya
Nagpapasya ng kung anong meron ka na wala sa iba
Sa iba na ipinagpalit kita, na sa huli'y pag sisisihan ko din palaBakit nga ba kita niloko?
Anung kagaguhan ba ang ginawa ko
Na pinakawalan ko pa ang isang katulad mo
Isang katulad mo na napakahirap hanapin sa mundoSana mahal pede pa
Kaya kong baguhin ang sarili ko para sayo
Ganun kita kamahal, ganun ka kaimportante sa puso ko
Ganun ako kabaliw sa isang tulad mo
Ganun ko kagusto na bumalik ang dating tayo
Na kahit ang bilog na mundo
Ay kaya kong gawing hugis puso

BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PoezjaTula ng mga sawi......sa oras ng kalungkutan ,kasiyahan,kiligan....hinding hindi ka bibitawan bagkus bubuksan ang iyong isipan upang tuluyang maunawaan kung bakit sa pagmamahal ay parati na lamang nasasaktan