LITRATO

113 1 0
                                    

Isang pirasong papel
Ang nagpapabalik sa nakaraan natin
Ang nagpapasariwa nang sugat sa aking puso na naghilom kahapon lang din

Isang piraso ng papel
Ang pauli ulit kong tinitignan
Habang iniisip ang ating nakaraan
Habang ang pagpatak nang aking luhay hindi ko na mapigilan
Hindi matanggap ang ating kinahantungan

Maging ang aking panyo
Ay pagod nang saluhin ang luha ko
At mga unan na gabi gabi kong kayakap
Ay tila nahahawa narin sa aking kalungkutan
Sumasabay na rin sa aking kahinaan
Kung may mga mata silay tiyak na sasabay sa luhaan
At patuloy akong yayakapin at dadamayan
Habang ang litrato moy tinititigan
Habang ang mga mata koy paga na sa magdamagang iyakan

At pag sapit ng umaga
Muka mona agad ang aking nakikita
Ang litratong medyo punit at malabo na
Litrato mong gulagulatay na
Sa sobrang tagal
Isang pitsil na ata ang pumatak na luha
Sa litratong tayoy magkasama pa
Sa litratong tayong dalaway masayang masaya pa
Sa litratong mahal mo pa ako nang sobra sobra

Hindi ako nagsasawa sa paulit ulit na pagdungaw sa iyong mga ngili
Na minsay nakakapagpabawas sa nararamdan kong hapdi
At minsay naman ay nagiging dahilan nang aking paghikbi
Sa tuwing naiisip na sa piling ko'y hindi ka nanatili

Minsan nga naiisip ko nang kalimutan
Ang lahat lahat nang ating nakaraan
Pagsunog sa litratong itoy akin ng pinagtangkaan
Pero pinigilan ako nang puso kong nagmamahal

Nagmamahal sayo
Nagmamahal pa rin sayo
Kaya kahit sobrang nasasaktan na ko
Di ko parin makayang kalimutan ang isang tulad mo
Habang nakikita ko ang ang taong minahal ko
Sa litratong ito
Hinding hindi makakalimot ang puso kong mahalin ka
Kahit matagal na nating narating ang dulo
Nung sandaling iniwan mo ako

SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon