Kaibigan
Salitang minsay hindi maintindihan
Salitang walang katuturan
Salitang may limitasyon ang pag mamahalan
Samahang hanggang kaibigan lamangPano mo nga ba masasabing ikaw kaibigan lamang?
Na hanggang dun lang ang inyong samahan
Na hanggang dun lang ang pagmamahal na pwedeng iambas sa isat isa
At huwag ng sosobraYung hundi uso ang palabis
Kung baga papel sa sakto lang ang nipis
Isang walang pamburang lapis
Parang walang pakpak na ipis
Kulang man at huwag magagalit o maiinisKase wala kang karapatan
Sa kanyang buhay ika'y kaibigan lanang
Papasok ka lang sa buhay nya pag ika'y kailangan
Pwede kang pahalagahan at alagaan
Ngunit di pa pwedeng mahalin ng mas matumbas pa sa kaibigan
Hanggang dito ka na lamangParang isang libro
Na hindi mo mabasa hanggang dulo
Kase nakatupi na ang ibang pahina nito
At ito'y hindi nakalaan para sa iyo
Para iyon sa taong matagal nya ng hinahanap
Para sa taong makakasama nya sa hinaharap
At hindi ikaw ang taong kanyang pinapangarapHindi ikaw ang kanyang inaasam
Na sa buhay ay ikaw ang sasamahan
Dahil ang lugar moy pang kaibigan lamang
Makakarating ka lamang sa kasalan
Kase ikaw ang magsisilbing best man
At hindi magiging groom kailanman
Sa huli hahantong parin tayo sa
Salitang PAALAM

BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PoetryTula ng mga sawi......sa oras ng kalungkutan ,kasiyahan,kiligan....hinding hindi ka bibitawan bagkus bubuksan ang iyong isipan upang tuluyang maunawaan kung bakit sa pagmamahal ay parati na lamang nasasaktan