KAHIT

111 1 0
                                    

Gumawa ako ng desisyong ikasasakit ng puso ko
Oo
Gumawa ako ng desisyong ikaliligaya mo
Ikasasaya ng buhay mo
At ikakokompleto ng pagkatao mo
Ginawa ko yun para sayo
Kahit alam kong ikadudurog ko
Ikasasakit ng aking puso
Kahit alam kong muliy ang luha koy tutulo
Ginawa ko padin kase iyon ang iyong gusto
Ang makasama sya
Ang palayain ka
Ang mahalin mo sya ng walang sagabal
At kalimutan ang aking pagmamahal
Hinayaan kita
Sinuportahan, kahit nasasaktan ng sobra
Pilit pinagmuka ang sarili na ok lang talaga
Pinilit lunukin na lamang ang sakit
Ang mata'y ipipikit
Para sa nagbabadyang pagtulo ng luha dahilan nang matinding hapdi
Hapdi ng katotohanang sya ang iyong pili
At kusa mong kinalas ang ating pagkakatali
Pinilit kong huwag na lamang humikbi
Pero wala ang suwail kong luha
Ay nagpupumilit makawala
Senyales na hindi ko na kaya
Hindi dahil nakikita kitang masaya
Ito ay dahil sa katotohanang masaya ka sa iba
At hindi ko kailanman napantayan ang sayang iyong nadarama
Ngayong kasama mo sya
Masakit kase nakikita kong mahal nyo ang isat isa
Na hindi mo manlang napadama nung tayo pa
Mahal pa kita sobra
Pero wala akong magagawa kung tinitibok at sinisigaw ng puso mo sya
Wala akong magagawa kung wala na talaga
Tanging pagsuporta na lamang
Pagngiti nalamang para matakpan ang sakit na nararamdaman
Ingingiti ko na lamang para hindi halatang patuloy akong naapektuhan
Itatawa na lamang ...
Sa katotohanang ako ang dati mong minamahal
At ngayon ay tanging kaibigan mo na lamang
Kaibigan na lng
Ingingiti ko na lang at ipakikitang
Ang pag ibig natiy tulayan ko ng nakalimutan
Ingingiti na lamang
Para patuloy parin kitang masubaybayan
Para patuloy parin kitang mahalin ng tuluyan
Para patuloy ko paring ang ngiti moy masilayan
Kontento na ko sa mga bagay na yan
Kahit masakit..pipilitin kong magong masaya
Para sa inyong dalawa

SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon