NUMERO

81 3 0
                                    

Uumpisahan kong bumilang
Mula isa hanggang sampo
Kung paano nagsimula at natapos ang tayo
Mula sa masasaya at kung pano ako tuluyang sumuko

Isa
Isang beses lang ako nangako
Pangako na hindi ako magbabago
Kung sapaano mo ko nakilala
Ay mananatiling ganon ang aking pagkatao
Sa kung paano mo ko minahal
At kung paano mo ko pinahalagahan
Nanatili akong ganon sa ating pagmamahalan
Nanatili ako kahit na patuloy akong nasasaktan

Dalawa
Dalawang beses kang nagloko at pintawad kita
Ang sobrang sakit ay hindi ko inalintanata
Inintindi kita kahit napakahirap talaga
Pinilit kong paniwalaan ka
Kahit alam kong isa kang mahika
Pinaniniwalaan
Kahit alam na panlolokot isa lamang daya
Pinaniwalaan kita

Tatlo
Oo
Tatlong beses akong sumuko
Sumuko sa ibat ibang rason
Sa ibat ibang pagkakataon
Sa ibat ibang panahon

Apat
Marahil ngay hindi naging sapat
Marahil hindi ako ang nararapat
Na sa iyong pusoy maging karapatdapat
Marahil nga, sapagkat
Hindi ka naging tapat

Lima
Limang araw kong inantay ang pagbabalik mo
Na kahit ayaw koy pinilit ko at ginusto
Na kahit imposible na'y nagpakatatag ako
Dahil nais kong bumalik ka
At mahaling muli ako

Anim
Ala alang bumabalik sa akin
Marso ng ika palwamput anim
Ang tuluyan mong pag amin
At tulung saki'y pag angkin

Pito
Mga panahong nagkamabutihan tayo lalo
Ika pitong araw sa isang linggo
Nung una mong sinabing mahal mo pa ako
At ang araw na gumawa tayo ng mga pangako

Walo
Buwan ng tuluyang ipinakilala mo ako
Sa buong angkan at magulang mo
Buwan na pinag malaki mo ako
At halos isigaw sa buong mundo
Na ako ang makakasama mo
Na ako lang ang kasiyahan mo

Siyam
Dito na ako nakaramdam
Sa syam na sunod sunod na mensaheng hindi ko maintindihan
Hindi ko maunawaan
Hindi ko mapigilang masaktan

Sampo
Sampong beses kong tinanong sa sarili ko
Ano bang mali sa nagawa ko
Saan ako nagkulang sayo
Bakit mo ko ginanito
Bakit
Kailan
At paano
Bakit binitawan mo ako
Kailan pa naging kayo
Paanong naging dalwa kami sa puso mo
At ang huli
Saan ako nag kulang at sya ang iyong pinili
Bakit sa kanya ka nag patali

SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon