may kinang pa ba ang ating pagiibigan
Mala paru parong lumilipad sa twing ang isat isay matititigan
May koryente pa bang dumadaloy sa twing madidikitan
May saya pa bang nararamdaman sa twing magkatabi sa duyan
May pananabik pa ba sa twing muling nasisilayan
Meron pa ba mahal
Mas mahal mo nga ba ako
tulad nung sinambit mo?
Ayaw mo na nga bang marating natin ang dulo?
Nais mo nga bang manatili lamang ako sa tabi mo?
Nais mo pa nga bang lumaban para sa tayo?
Bakit tila iba ang aking nakikita?
Bakit sa araw araw ay may iba ka?
Bakit parang tuluyan mo na akong binabaliwala?
Bakit tila paulit ulit mo na akong pinaluluha?
Mahal kung ayaw mo na
Ang puso koy iyo ng bitawan
Akoy tuluyan mo ng pakawalan
Huwag mo kong paikutin sa kasiyahan at bigla na lamang muling sasaktan
Kung hindi mo na nais
Hilingin mot ikaw ay aking pagbibigyaHilingin mong tapusin ang pagmamahaang wala ng patutunguhan
Hilingin mong tuluyan kong lisanin ang iyong buhay
Hilingin mot bibigyan kong sakatuparan
Kahit labis akong masasaktan
Kahit masakit na iyan ay pagbigyan
Hilingin mo
Ganito kita kamahal
Ang tanging hangad ko ay ang iyong kaligayahan
Hilingin mo lalang mahal
At ibibigay ko ang laya na iyong pinakaaasam
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PoesiaTula ng mga sawi......sa oras ng kalungkutan ,kasiyahan,kiligan....hinding hindi ka bibitawan bagkus bubuksan ang iyong isipan upang tuluyang maunawaan kung bakit sa pagmamahal ay parati na lamang nasasaktan