BULAG

102 1 0
                                    

Oy, oy,oo ikaw
Kailan mo balak humiyaw
Kailan mo aaminin na may mga bagay kang ayaw
Kailan mo sasabihin at ibubulgar
Ang lahat ng bagay na iyong napapansin
Ngunit mas pinipili na lamang tumalikod at huwag ng lingunin
Kailan ka papanig sa tama
At suwayin ang mga mali nilang ginagawa
Kailan mo tutulungan ang mga dukha
At kahit papaanoy dinggin ang mga pangangailangan nila
Kailan ka magiging tapat sa kapwa

Habang buhay ka na lamang bang magpapakabulag sa pera
At wala ka nang paki alam sa kanila
Hindi mo ba naiisip na kailangan ka nila
Kailangan nila ang konting tulong
Na inaasahan nilang
Ikay tutugon
Pero anong nakikita nila ngayon?
Magaling ka lang mangako noon

Bakit ang galing nyong mapaniwala ang mga tao sa salita
Pero wala naman kayo sa gawa?
Pano nyo natataim na magpakasasa
Samantalang ang daming mahihirap ang namamatay nang wala manlang kayong nagagawa

Nariyan kayo sa posisyon para silay tulungan
Upang maibangon ang ating bayan
Upang ang kahirapay matugunan
Hindi para magpayaman
At angkinin ang pera ng bayan

Tubuan sana kayo ng konsensya
Magkaroon ng kabutihan ang inyong mga puso
Sapian ng mabuting ispirito
Maisip nyo sanang tumulong sa ibang tao
Hindi yung sarili nyu na lang ang inililigtas nyo

Sa takbo ng buhay
Hindi palaging ikaw ang nasa ibabaw at silay nasa ilalim
Minsa'y umiikot ang gulong at ikay mapupunta sa dilim
Sa dilim na kung saan mararanasan mo ang kanilang sakit na kinikimkim
Sa buong buhay nila wala silang ibang gusto kundi mabigyang pansin

Habang kayoy lunod sa pera
Bagong gamit na araw araw ay natatamasa
Pagkaing masasarap sa hapag ay naka handa
Tahanang hindi malibot libot sa sobrang lawak
Kotseng sobrang mahal ng presyo sa sobrang gara

Narito sila sa tahanang butas ang bubong
Na kapag umuula'y hindi alam kung sisilong
Nagugutumang bata na hindi manlang makalamon
Bagong damit na minsan lang magkaron sa isang taon

Kailan nyo sila lilingunin
Kailan nyo sila bibigyang pagkakataon para buhay ay baguhin
Kailan nyo sila tutulungang ibangon ang sarili
Kailan kayo mag kakaroon ng pake kahit kaunti
Kailan kayo nyu maiisip ang tama sa mali

SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon