Ikaw at ako
Na pinag layo
Nang tadhanang sya ring bumuo
Nang pag mamahalang sa atiy namuo
Na hindi mawari kung ito ba talagay totoo
.
Ikaw at ako
Na parehong nag loko
Gumawa ng pagkakasala hanggang sa narating ang dulo
Ang dulo na kung saan tayoy magkakalayo
Nang hindi manlang natatamo
Ang pagsasakatuparan nang ating mga pangako
Pangako na di mawariy kung magkakatotoo
Pangakong mapapako na lang dito
.
Ikaw at Ako
Na kailan may hinding hindi na magiging TAYO
Hinding hindi mo na ako masasalo
Sa pag talon ko mula dito papunta sayo
Wala nang ikaw na sasalo at magtatama nang pagkakamali ko
Wala nang ikaw na makikipag laro
Sa isang tulad kong lagi na lang natatalo
Minamahal kase ang taong alam namang kalaro lamang
Iniisip kase na baka sa kaling gusto mo rin nang makatotohanan
Baka sa kaling gusto mong mahalin kita at alagaan
Baka lang
Baka nga langIkaw at ako
Ikaw na na kinalimutan na ang ako
At ako na patuloy kang minamahal kahit tapos na ang tayo
Ikaw na unang sumuko
At ako na nag umpisa ng lahat ng ito
Mula sa paglalaro
Na para saaki'y naging totoo
Hindi ko nga lang alam kung iyan din ang nararamadaman mo
Ikaw na ngayo'y may bago nang sinisinta
At ako na hanggang ngayo'y inaasam asam ka
Pinasisisihan na pumayag na iyon ay hanggang laro lang talaga
Di manlang ipinag sapilitang sabihing mahal na talaga kita
Mahal na kita nang sobra sobra
.
Ikaw at ako
Namimiss ko na ang dating ikaw at ako
Namimiss ko na ang dating laro
Ang mga pagtawa ko sa biro mo
Ang pag iyak ko pag naiisip na laro lang ito
Ang pagkalungkot ko pag naiisip ko na matatapos din ito
Ang panghihinayang ko dahil ako'y hindi sayo
At ikay hinding hindi maangkin ng isang tulad ko
Ang tayo na kailan may hindi naging totoo
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PoesíaTula ng mga sawi......sa oras ng kalungkutan ,kasiyahan,kiligan....hinding hindi ka bibitawan bagkus bubuksan ang iyong isipan upang tuluyang maunawaan kung bakit sa pagmamahal ay parati na lamang nasasaktan