Sana sinabi mo
Na may iba kang gusto
Na hindi ako ang iyong tipo
Na mas may inaasam ka pa kesa dito
Sana sinabi mo
Para handa akoSana sinabi mong maglalaro lang tayo
Inaral ko sana ang paborito mong laro
Nag aral sana ako ng higit pa sa patenterot piko
Inaral ko sana kung pano magpaloko
Yung hindi ako madudurog nang isang linyahan
Isang paasang paligsahan
Inaral ko sanang magtangatangahan
Inaral ko sanang makipaglokohan
Yung walang dayaan
Yung patas na labanSana sinabi mo
Para hindi ako nagseryoso
Sana sinabi mo para makapaghanda ako nang panyo
Panyo na magsisilbing sandalan ko sa iyong pag layo
Sa pag tatapos mo nang laro
At ang resulta nang aking pagkataloSana kase sinabi mo
Para hindi na ko sumugal
Para wala na kong panghahawakang pagmamahal
Para hindi ko na to naranasan
Na sana iba na lang ang aking minamahalSana ipinaliwanag mo
Na hindi ako ang nais mong makasama
Kesa naglaro ka sakin at nag seryoso sa kanya
Sana sinabi mo para wala nang umasa
Para wala nang nasaktan nang sobra
Sana sinabi mo
Hindi sana ako ganito
Hindi sana nabasag ang puso kot naging piraso
Hindi sana ako nasasaktan sa twing masaya kayo
Hindi sana ako nag durusa nang ganito
Sana sinabi mo
Sana hindi ako nakipag laro
Nakipaglaro
Sa madayang tulad mo
Hindi sana
Kung sinabi mo
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PoesíaTula ng mga sawi......sa oras ng kalungkutan ,kasiyahan,kiligan....hinding hindi ka bibitawan bagkus bubuksan ang iyong isipan upang tuluyang maunawaan kung bakit sa pagmamahal ay parati na lamang nasasaktan