Spg....may mga salitang sa mga batay hindi akma....isang beses lang po ang bad word na ito ...pasensya na po
°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°Nagsisimula sa hi
Nagtatapos sa goodnight goodbye
Minsan my sweetdreams pang kasama
Basta matapos ang topic na nasimulan nating dalawa
Tapos kinabukasan goodmorning
Ang umaga koy binibigyan mo ng ning ning
Iniimagine ko tuloy kunyari ikay sa akin nakatingin
Sa aking araw araw na paggising
Siguro di ko mapipigilang kiligin
Pero wait lang
Imposeble pala ang nasa aking isipan
Di naman pedeng sa cellphone koy lumabas
At biglang magkikita narin sawakasBalik tayo sa chat
Sa chat na punong puno ng halakhak
Punong puno ng emoji-ng wagas ang hagakpak
Punong puno ng masasayang reply-an
Na gustong gusto kong araw araw masundan
Punong puno ng emoji-ng puso
Sa pick up lines mong medyo di narin usoGanun lang araw araw ang ating usapan
Kamustahan
Chat ng kasweetan
Rereply-an ng banat na walang katuturan
Pero kahit ganun nakapagbibigay ng kasiyahan
Hanggang sa eto na nga
Ang mga bagay tlgang pansamantala
Bigla na lang isang araw wala ka na
Kahit linggo ang nakaraan
Wala paring active na sa convo-y mamamataan
Iniintay lang naman kitang simulan
Kaso sa linggong itoy parang sa chat moy walang aasahanHanggang sa nagbalik ka
Online ka na arawaraw at lagi kang nkikita
Sisimulan ko na sana kase miss na miss na kita
Pero hindi kase mas gusto kong ikaw ang mauna
Bumilang ako ng isa dalawa
Wala parin ang chat mong laging nauuna
Sinundan ko ng tatlo apat lima
Inintindi ko na baka busy ka
Baka maraming taong nagchat sayo ng mahalaga
Kaya pinagpaliban muna ang convo nating dalawaHanggang sadi ko na napigilan
Sorry sa sobra kong kakulitan
Ako na ang nagtipa ng mensaheng datiy iyo laging sinisimulan
Medyo nakaramdam na ako ng kalungkutan
Hanggang sa tuluyan mo nang na seen
Yung sweet kong mensahe first time mong hindi pinansin
Di ko alam kung my galit ka ba sa akin
Pede naman natin tong ayusinDi kita tinigilan
Kahit medyo masakit narin ang aking nararamdaman
Ikaw ga naman ang biglaan nalang bitawan
Bigla na lang hindi nireply-an
Na di alam ang dahilan
Kung bakit ka nagkaganyanHanggang sa isang araw
Pati timeline moy dinalaw
Pilit hinanap ang dating ikaw
Kaso akoy naligaw
Napadpad ako sa mga listahan ng iyong kybigan
At dun ko nakita ang pangalawa mong acct
Syempre aking tiningnan
Langhiya profile moy my kasamang pinagpala ng kagandahan
At wait theres more
My pa bio si mayor
Relationship wth ate
Na parang kylan lang sa ating convoy my nangyareHahaha gago
Hahaha siraulo
Nawala ka lang ng isang linggo
Napaltan mo na agad ako
Sabihin na nting hindi naman naging tayo
Pero langhiya
Nasira yung buo kong tiwala
Yung mga pangako tila ba nawalaNapaka angas lang kase
Napakaangas
Muntik ko ng ibato
Yung cellphone ko
Kaso nandto yung nemories ko sayo
Na inumpisahan mo
Na hindi mo manlang inabalahang matapos
Gusto kong sumigaw at magpakapaos
Kaso naunahan ng luha kong bigla na lang umagos
Gusto kong hilahin ka mula sa cellphone ko
At iharap saakin at ipaliwanag ang ginawa mo
Pero parang mas gusto ko na lang na iblock ka
Para makalimutan na kita
Kaso p*t*ng *n*
Hindi ko kaya
Parang mas gusto ko na lang manatili
Dito sayong tabi
Kahit hindi na pwede
Kase may babae ka ng pili
T*ng *n* talaga
Gusto na kitang ipitin gamit ang aking mga paa
Kaso imposble...bka halikan lang kita
Kaya masasabi ko na lang paalam na
T*ng *n* ka
Maba*g ka sana

BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PoetryTula ng mga sawi......sa oras ng kalungkutan ,kasiyahan,kiligan....hinding hindi ka bibitawan bagkus bubuksan ang iyong isipan upang tuluyang maunawaan kung bakit sa pagmamahal ay parati na lamang nasasaktan