Pinakawalan kita para magpahinga
Dahil sabi mo yun ang kailangan nating dalawa
Pinagbigyan kita dahil mahal kita
Pinagbigyan kita kahit hindi ako sanay na hindi ka nakikitaMabilis ang oras sa pagtakbo
Kasing bilis nang paghahanap mo ng bago
Kasing bilis ng pagsira mo saiyong pangako
Pangako na magpapahinga lamang tayoPinanghawakan ko ang salitang iyong binitawan
Baka parte iyan ng pagpapahinga sa ating kalagayan
Baka sa aking pagkawala
At paghanap mo ng iba
Makita mo ang aking halagaPero hindi
Alam kong ganito ang patutunguhan
Nguni mas pinananaig na hindi mo ako iiwan
Na ako ay iyong babalikan
Kahit nakikita kong msaya ka sa inyong kalagayan
Mas pinipili kong magbulag bulaganPero sa tingin ko
Siguro tama naKinabukasan iminulat ko ang aking mga mata
Muling binalikan ang alaala nating dalawa
Ang bawat lugar na binibigyan natin ng saya
Ang bawat salitang mahal kita
Na naririnig ng aking tainga
At ang pag sagi mo kasama ang bago mong prinsesa
Ang tunay na ngitit saya
Na sa kanya mo nadadama
Nag papahiwatig na talagang wala na
Tama na
Huminto ka na
Wag ka nang umasa
Masaya na sya sa iba
Masaya ka na sa iba

BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PoesiaTula ng mga sawi......sa oras ng kalungkutan ,kasiyahan,kiligan....hinding hindi ka bibitawan bagkus bubuksan ang iyong isipan upang tuluyang maunawaan kung bakit sa pagmamahal ay parati na lamang nasasaktan