Alam mo bang gusto kita?
Simula palang ng una tayong nagkita
Ako'y sayo agad ay nahalina
Sa maririkit mong mga mata
Sa labi mong mapupula
Sa ugali mong napakagandaAlam mo ba na umasa ako?
Na baka sakaling ako'y gusto mo
Na baka matipuhan mo din ako
Na baka nararamdaman mo din tong nararamdaman ko
At dahil na rin sa tagal kong naging sunod suran sayoAlam mo bang nasasaktan ako
Sa mga kwento mong tungkol lahat sa kanya
Bukang bibig moy laging pangalan nya
Pati ako at sya'y pinagkukumpara
Na sa lahat ng bagay ay mas magaling sya
Kahit ako naman ang lagi mong kasama
Kahit ako naman ang mas nauna mong nakilalaAlam mo bang napapagod din ako
Napapagod sa pagiging kaibigan
Pede bang maiba naman
Iupgrade naman natin ung ating samahan
Yung hindi lang pangkaibigan
Pede naman tayong magmahalanAlam mo bang sawa na ako
Sa magkapatid na turingan
Na mahal mo din ako pero bilang magkaibigan
Sawa nako sa bess na tawagan
Di ba pedeng mahal naman
Di ba pedeng babe na lang
Mahalin mo naman ako higit pa dyan
Kase kung tutuusin
Nagsisimula na akong manalangin
Na magbago na ang turin mo saakin
Na ako'y mahalin
Sana naman ako'y iyong dingginSana alam mo
Na sakin mo mas matatamo
Ang pagmamahal na ibibigay ko sayo ng buong buo
At ang buong ako na handa kong ialay sayo
Mahalin mo lang ako
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PoesíaTula ng mga sawi......sa oras ng kalungkutan ,kasiyahan,kiligan....hinding hindi ka bibitawan bagkus bubuksan ang iyong isipan upang tuluyang maunawaan kung bakit sa pagmamahal ay parati na lamang nasasaktan