Marahil ay nanawa ka na
Sa mayat maya kong pagsulpot
Ipagpaumanhin mo sana
Tanging tinatangagal lamang ang nararamdamang lungkot
Hindi ko alam
Kung kailan ang basuray muling mapupulot
Ang alaalay
Muling mababalik
Sa pagmamahalay
Muling nasasabik
Hindi ko alam
Kung babalik pa ba sa dati
Tatanggapin ang hapdi
O sa pananahimik na lamang ay manantili
Hindi ko alam
Pero patuloy na nagbabakasakali
Gusto kong ipakita na ok na ako
Iparamdam na hindi na ako apektado
Iparinig ang bawat paghalakhak ng aking puso
Pero paano
Kung ang sayay hindi naman totoo
Kung ang lungkot ay kumalat sa aking buong pagkatao
Kung sa salitang "wala na" ay hindi kontento
Nais kong pa atang makita na maging masaya ka sa ibang tao
Tama yun ang gusto kong makita
Ang makita kang sumasaya sa iba
Makita kang lumalaban sa pag mamahalan nyong dalawa
Makita ang ngiting pinagdamot mo nung tayo pa
Matatamis na pagtawa
Na sa kanya mo na lang nadadama
Masaya akong nahanap mo sya
Ang nagpapasaya sayo ng sobra
Masaya nga ba ako?
Oo masaya ako
Kahit kumikirot ang munting bagay dito sa dibdib ko
Oo masaya ako
Kahit sumasalungat ang luha sa pagtulo
Oo masaya ako
Kahit ang nginig sa labi koy hindi sangayon sa sinasabi ko
Oo masaya ako
Sapagkat na takasan ko
Nakaya ko
Ang kumawala sa isang tulad mo
Masaya ako
Kahit hindi totoo
Masaya ako
Kahit di ko slm kung pano magpapatuloy
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PoetryTula ng mga sawi......sa oras ng kalungkutan ,kasiyahan,kiligan....hinding hindi ka bibitawan bagkus bubuksan ang iyong isipan upang tuluyang maunawaan kung bakit sa pagmamahal ay parati na lamang nasasaktan