Gagawa ako ng tula
Tula na walang tugma
Tula na walang kwenta
Tula na walang temaTulad ng iyong nagawa
Nung panahong tayo pa
Nung panahong mahal pa kita
Nung panahong ako sayo'y baliw na baliw paAng tulang ito'y matatapos
Tatapusin ko ito kahit kapos
Alam kong ito'y sa huli'y malalaos
Tulad sa tali ng pagibig ko na sayo'y dati nakagaposWala itong tema
Hindi ito tungkol sayo na walang pagpapahalaga
Hindi kita isasali sa kahit anong linya
Dahil sa akin ika'y wala ng kwentaHinding hindi ka magiging parte nito
Kahit ang munting pangalan mo'y hindi ko itatala dito
Dahil hinding hindi ko to iaalay sayo
Hinding hindi ito magiging tungkol sayoHinding hindi ako magpaparinig sa tulang ito
Hinding hindi ako magsusulat ng ikasisira mo
Hinding hindi ako maglalagay ng kahit anong pangyayari sa atin noon
Hinding hindi ito magiging tungkol sa pag pagsira mo saating relasyonWalang kwenta diba?
Parang ikaw walang halagaBoring diba?
Parang sayo walang bagay na nangyaring magandaAng sama diba?
Parang ikaw ang sama at naging parte ka ng buhay ko
Nang buhay kong tahimik noon
Nang buhay kong masaya pa
Nung wala ka
Nang buhay kong maliit na bagay lang noon ang prinoproblema
Hindi ikaw na napakawalang kwentaPano ba yan, tatapusin ko na
Alalahanin mo
Hindi ito tungkol sayo
Dahil ikaw, hindi ka nababagay dito
Dun ka sa taong pinili mo
At pinal na napagpasyahang iwan ako

BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
ПоэзияTula ng mga sawi......sa oras ng kalungkutan ,kasiyahan,kiligan....hinding hindi ka bibitawan bagkus bubuksan ang iyong isipan upang tuluyang maunawaan kung bakit sa pagmamahal ay parati na lamang nasasaktan