Tanggap parin kita
Kahit ang puso ko'y winasak mo na
Kahit ang tingin ko dati sa sarili ko'y wala ng halaga
Dahil sa pag iwan mo saakin at sa pambabaliwala sa pag ibig nating pansamantalaTanggap parin kita
Bilang isa sa mga kaybigan ko
Kahit na nabawasan ang tiwala ko sayo
Kahit alam kong masasaktan ulit ako
Dahil sa labis na pagtanggap ko pa rin sayo
Hindi ko na inisip na kaya ako ganito
Ay dahil iyon sa isang taong tulad mo
Na pilit kong pinakikisamahan ng ganito
Kahit na npakalala ng ginawa moPero, tanggap lang kita
Hindi na ako babalik sa dati nating relasyon
Na punong puno ng pagmamahalan noon
Natuto na ako ng napakaraming leksyon
Na ang pagmamahal ay nakakaubos oras lang iyunTanggap lang naman kita
Hindi na ako babalik sa noon
Dahil masaya na ako sa ngayun
Pag mamahal ko sayo noon natangay na ng alon
Hindi importante kaya hindi ko na hinabol
Ayyy mali, hindi na importante
Kya di ko na pinigilan sa pagkakabaonPero wag kang mag alala
Tanggap parin kita
Dahil sa nakaraan natin, naranasan ko din namang maging masaya
Naranasan ko din namang masopresa
Masopresa na mayron ka ng iba
Masopresa na pinagsabay mo kaming dalawaNaranasan ko ding kiligin
Sa mga pick up lines mo para saakin
Pero minsan ung picklines mo paltan mo rin
Kase nasabi mo rin yan sa babaeng ipampapalit mo saakin
Nakakasawang diniginPero tanggap parin kita
Wag kang mag alalaMay posisyon pa parin sa buhay ko
Bilang isa sa mga kybigan ko
Pagkakatiwalaan ulit kita ng sobra
Pero this time sana wag mo nang sirain pa
Kase pag nangyare yun
Di na kita matatanggap pa
Kahit lumuhod ka
Hinding hindi na

BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PoesíaTula ng mga sawi......sa oras ng kalungkutan ,kasiyahan,kiligan....hinding hindi ka bibitawan bagkus bubuksan ang iyong isipan upang tuluyang maunawaan kung bakit sa pagmamahal ay parati na lamang nasasaktan