Kaibigan mo?
Kaibigan ka ba?
Importante sayo?
Impostante ka ba sa kanila?Kailan mo nga ba masasabi kung tunay ba syang kaibigan
Wari koy sapat na ang tagal ng pinagsamahan
At kung hindi ,sa sakripisyo ng bawat isa ang pagbabasehan
O di kaya nama'y sa saya ,na sa isat isay pinaghahanduganMasaya magkaroon ng kaibigan
Masaya,kung ang isat isay nagkakaintindihan
Masaya, kung matagal na yung samahan
Masaya, kung walang ibang sisira sa inyong nabuong gusali ng pagkakaibiganMasaya ako sa araw araw na silay nakikita
Masaya ako kase mahal namin ang bawat isa
Masaya ako kase nandyan sila
Para punahin ang pagkakamali sa akinMasaya nga ba?
Mahal nga ba ang bawat isa?
O, mahal lang NILA ang bawat isa
Hindi AKO kasama
Hindi ako parte ng gusaling kanilang pinagtibay
At nasasabing pang habang buhayTumulong lang ako sa pag buo
Ngunit hind ako kasama sa kanilang grupo
Kase pagkatapos kong matipon ang nilalamang tao
Wala na silang pakialam kung paano na akoHindi nila alam na bawat tawa nila, nasasaktan ako
Hindi dahil bitter ako
Dahil dapat ako yung nadudoon
Dahil ako ang nagpatibay ng pagkakaibigan namin noon
Ako ang bumoo ng masayang relasyon
Na binabali wala na nila ngayonMasaya nga
Sa sobrang saya
Gusto ko ng ibalik ang dati
At burahin ang lahat ng nangyari
Pagbigyan ang aking sarili
Na hindi na gumawa ng magandang bagay na sa huliy magiging aking pagkakamali
Gusto ko lang
Pero hindi ko magawa
Kase mahal ko sila
Gusto kong nakikita silang masaya
Kahit hindi ako ang dahilan
Kahit akoy kanilang tinalikuran
Matapos ang lahat lahat na aming pinagdaanan
Sa kabila ng nagawa ko para mapagtibay ang aming pagkakaibiganHanda na akong tanggapin
Kahit itoy sobrang sakit para sa akin
Wala din naman akong magagawa
Kung sila sa akiy nagsawa
Nakahanap ng iba
At akoy tuluyang kinalimutan naSalamat na lang
Hindi ko natatapusin ang tulang aking pinaghandaan
Sa inyo sanay sasabihin
Pero akin na lang sasarilihin
Naalala ko na wala nga pala kayong paki alam sa akin
Wag lang dumating ang pagkakataong akoy kakailanganin
Hinding hindi ko na kayo didinggin

BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PoesieTula ng mga sawi......sa oras ng kalungkutan ,kasiyahan,kiligan....hinding hindi ka bibitawan bagkus bubuksan ang iyong isipan upang tuluyang maunawaan kung bakit sa pagmamahal ay parati na lamang nasasaktan