Ikaw yung inspirasyon ko
Sa kabilang section
Ikaw yung pumupukaw ng aking atensyon
Ikaw yung nagbibigay saakin ng leksyon
Leksyon na nagsasabing
"Hindi lahat ng gusto mo,makukuha mo"
"Hindi lahat ng tao magugustuhan ang isang tulad mo
Sayo ako natutong mahirapan
Mag effort maipakita lang ang aking nararamdaman
Humiyaw ng salitang " mahal kita" sa kawalan
Sumuway sa utos ni inay
Masagot lang ang likezone mong reply
Sumunod sayo na parang pulis
At maging mga babaeng nakapaligid sayo'y kinikilitis
Magpacute sayo, sa twing ikaw dadaan
At mangingisay sa kilig pag iyong nasulyapan
Mas assume na iyo ding magugustuhan
Kahit ang totoo'y iba ang iyong minamahal
Pinupuno ang cellphone ng iyong mga litrato
Pinapaprint at idinidikit sa kwarto
Kahit na sagutin ka pa nya
Hindi ako titigil sa kakaisip na ika'y magiging akin
Ang puso moy aangkinin
Isisipat mo sa'akin ang mga nakatutunaw na tingin
At sasabhin sa'aking ako'y gusto mo rin
Kahit sa panaginip lang
Kahit hindi makatotohanan
Kahit ako'y umasa man
Kahit ako'y nasasaktan
Dito ako sumasaya
Dito nakokompleto ang aking twina
Dito nabubuo ang pagkatao ko
Dito nagiging makabuluhan ang buhay ko
Ang umasa sayo
Palihim na magmahal sayo
At ang magpakabaliw sayo
Lulubusin ko na
Dahil bukas makalawa
Sa iba na ako mahahalina
Sa iba na ako hahanga
At tulad mo rin
Alam kong hindi rin nya ako MAPAPANSIN
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PoetryTula ng mga sawi......sa oras ng kalungkutan ,kasiyahan,kiligan....hinding hindi ka bibitawan bagkus bubuksan ang iyong isipan upang tuluyang maunawaan kung bakit sa pagmamahal ay parati na lamang nasasaktan
