Kabataan
Ang pag asa ng bayan
Ang magliligtas sa bayang sinilangan
Ang magpapabago
Sa ikot ng mundo
Ang magpapabago
Ng maling kinagisnan ng bayan koKabataan
Ang sunod na henerasyon
Ang susugpo sa maling pamamalakad noon
Ang papalit sa mga dakilang tao nung panahon pa ng kastila, amerikano at hapon
At ang kabatang nasabing pag asa natin ngayonBakit sa aking nakikita
Taliwas ang nasabi ni rizal nong una
Kabataan ang ating pagasa
Bakit sa ngayo'y sila'y mas malala paNasaan ang kabataang maasahan
Kabataang mag aangat sa bansang sinilangan
Kabataang balang araw ay magiging bayani ng ating bayan
Kabataang ipinagmamalaki noon ni rizalKung ating lilingunin
Ang bayang pinaninirahan natin
Makikita mo ba ang kabataang mag liligtas sa atin?
Makikita mo ba sa kabataan ngayon,
Ang pagsasakripisyo ng kabataan noon?Nakikita mo na ba ang pag asenso ng bansang Pilipinas
Ang pag layo sa kaharasang dinanas
Ang paglabas ng angking lakas
Ng bayang perlas ng sinilanganAnong nangyare sa kabataan
Ang sa pag aaral ay maasahan
Bakit ngayo'y mas nais pang magwalwal
Kesa magpakabuti at magpakumbaba sa magulangBakit na sa halip ay libro ang hawak
Mas nais pang huwag pumasok at maglaklak
Na sa halip na makinig saguro para matuto
Ay sila pang barumbado, na parang hindi pinanganak bilang taoAng mga kalalakihan ay nalululong sa droga
Sinusunog sa sigarilyo ang kanilang mga baga
Sinasayang ang perang pinaghirapan ng kanilang ama't ina
Maipang bili lamang ng maipapambugaNasaan ang kabataang noo'y sa murang edad ay nagtatrabaho na
Para sa pamilyang uuwian nila
Mga kabataang iginagalang ang mas nakakatanda
Gumagamit ng po at opo sa bawat salitaNasaan na
Bakit tila nawala
Maging ang mga mahihinhing dalaga sa ating bansa
Bakit tila'y naubos naAng puting bistigang kaaya ayang pagmasdan
Bakit tila napalitan na ng short na kaiklian
Ang natural na ganda
Bakit tila kinulayan na ng lipstick na pagkapulapulaAng dalagang kung kumilos ay napakahinhin
Bakit sa ngayo'y parang gaslaw na ng babaeng bayarinNasaan na ang balot na kasuotan
Bakit napaltan na ng manipis at maiikling damit ng kababaihan
Ang dalagang bahay kombento at paaralan lamang
Ay nasanay sa bahay at layasanAng tulang ito'y hindi para kayo'y sermunan
Binuo ito para matigil ang inyong pagbubulag bulagan
Para matigil ang ating pagbibingi bingihan
Para imulat ang ating mga mata
Sa mundong napapabayaan naUpang maaga palang ay atin ng mabago ang sarili
Maging isang kabataang maipagmamalaki
Kabataang hindi minamamaliit
Kabataang karapatdapat
Kabataang ginagawa ang nararapatNakakalungkot lang isipin na
Ang dakilang si rizal ay umasa
Sa ating mga kabataang mabubuhay pa
Para isakatuparan at bigyang sukli ang sakripisyong ginawa nyaBuksan natin ang ating isipan
Ibalik ang mabuting kabataan
Na dati'y nasimulan at ipagpapatuloy sa kahit anong paraan
Kaya nating ibalik ang "pag asa ng bayan"
Dahil tayo ang KABATAAN
Kailangan lang nating patunayan
ANG KAKAYAHAN NG ISANG KABATAANG PINAGKATIWALAAN AT PINANIWALAAN NG BAYANING SI RIZAL

BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PoesieTula ng mga sawi......sa oras ng kalungkutan ,kasiyahan,kiligan....hinding hindi ka bibitawan bagkus bubuksan ang iyong isipan upang tuluyang maunawaan kung bakit sa pagmamahal ay parati na lamang nasasaktan