Di ko alam na hindi mo gusto
Ang pag sulpot ko minuminuto
Ang pagpaparamdam sa bawat segundo
Ang labis labis na pagtingin ko sayo
Hindi ko alam na ikay nakararamdam ng inis
Na kung minsay pagiwas ay iyong ninanais
Na sa tuwing akoy lalapit pilit pinapaalis
Di ko alam sobra na ikaw naiinis
Nais ko lang naman na iyong maramdaman
Ang tamis ng tunay kong nararamdaman
Hindi ko hangad na ang atensyon moy maagaw
Sapat na sakin ang isang tingin sa isang araw
Pero siguro nga
Hindi na nakakatuwa
Masyado natin sigurong nakakasawa
Di ko hangad ang kainisan
Bagkos ihayag lamang ang nararamdaman
Patawad kung pinagsasapilitan
Nagbabakasakali lang na iyong magugustuhan
Wag kang mag alala akin nang titigilan
Pero sana kahit kontiy oras ay pag aksayahan
Sapagkat ito na ang huling
Pangungulit
Huling pamimilit
Sapagkat di na mauulit
Hindi na uulit
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PuisiTula ng mga sawi......sa oras ng kalungkutan ,kasiyahan,kiligan....hinding hindi ka bibitawan bagkus bubuksan ang iyong isipan upang tuluyang maunawaan kung bakit sa pagmamahal ay parati na lamang nasasaktan
