Kung alam mo lang kung gaano ako nasasaktan
Sa twing makikita kitang nahihirapan
Sa twing makikita kong nilalamon ka ng kalungkutan
At naiisip mo na sa mundoy mag isa ka lamangDi mo alam kung gano ako kaapektado
Sa mga bagay na nakakasakit sayo
Sa mga bagay na nakakapagparamdam sayo na palagi kang talo
At sa pag asa sa kanya kahit alam mong nandito lang naman akoPero kahit ganun
Patuloy kitang sasamahan
Hinding hindi kita iiwan
Pupunan ko ang lahat ng kakulangan
Iibigin kita ng higit sa kanyang pagmamahalSa piling koy hindi ka mababalot ng kalungkutan
Pasasayahin kita kahit alam kong akoy mahihirapan
Kahit alam kong mahirap alisin ang iyong sa kanyay pagmamahal
Kahit alam kong mahirap ipaling
Ang atensyon mo at ako naman ang piliin
Kahit alam kong walang kasiguraduhan kung ikaw bay magiging akin
Kahit alam kong umaasa ka parin
Sa isang taong hindi ipinaramdam sayo kung paano mahalin
Handa akong magpaalipin
Sa katotohanang mamahalin kita
Pero hindi ako ang iyong pipiliin
Handa akong tanggapin
Handa akong pansamantala mong gamitin
Tanggap ko na sa dulo ng araw buwan taon
Babalik ang pagmamahalan nyo noon
Mawawala ng mula sakin ang iyong atensyon
Maiiwang muli ako sa ngayon
Tanggap ko yon
Kaya kitang mahalin sa ibat ibang pagkakataon
Yung oras na durog ka
At bubuing muli kita
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PoetryTula ng mga sawi......sa oras ng kalungkutan ,kasiyahan,kiligan....hinding hindi ka bibitawan bagkus bubuksan ang iyong isipan upang tuluyang maunawaan kung bakit sa pagmamahal ay parati na lamang nasasaktan