MAAARI KO BANG IGUHIT ANG LARAWAN MO?
KASAMA ANG PAGGUHIT NG BUKAY KO SAYO
KASAMA ANG PAGGAWA NG OBRA NA MAGSISIMULA SA TAYO
MAAARI KO BANG IGUHIT ANG KASALUKUYAN KO SAYO
IPIPINTA ANG BUHAY NATIN NANG MAKULAY
GAGAMIT AKO NG PINTURANG MAGPAPAGANDA SA ATING BUHAY
GAGAWIN KO ITONG MAKASAYSAYAN
MAKAPILING KA LANG SA KASALUKUYAN
GAGAMIT AKO NG HUGIS NA SYANG NAGBIGAY NG ITSURA SA GANDA NG MUNDO
GAGAMIT NG TULDOK SA PAGSISIMULA NG OBRANG MAGULO
GAGAMIT NG MGA LINYANG PAPANTAY SA PAGTINGIN MO AT PAGTINGIN KO
GAGAMIT AKO NG KULAY NA SYANG BUBUO AT MAG UUMPISA NG PAGMAMAHALAN NATING TO
SUSUKATIN ANG BAWAT TINGKAD AT LAMLAM NG KULAY NA AKING IHAHALO
TULAD NG PAGSUKAT NG BAWAT KARAPATAN KO AT KARAPATAN MO
ANG BAWAT LAMPAS NA GUHIT AY HAHAYAANG SUMORA
SIMBOLO ITO NG PAGMAMALABIS NG PAGMAMAHAL KO SAYO
ANG BAWAT MALING PATONG NG GUHIT AY GAGAWAN NG PARAAN
TULAD NG PROBLEMANG ATING KASASADLAKAN
BIBIGYAN NATIN NG KASAGUTAN AT ATIN ITONG SOSULOSYUNAN
HINDIHAHAYAANG ANG TIWALA MOY MADUMIHAN
KAYO SAYO LAMANG AKO GUGUHIT AT SAYO LAMANG AKO MAGMAMAHAL
SA PAGTATAPOS NG PAGLIKHA KO NG OBRANG ITO
MAARI BANG PAGBIGYAN MO ANG DAMDAMIN KO
MAAARI BANG ANG BUHAY KOY MAGING BUHAY MO
MAAARI BANG SABAY NATING IGUHIT ANG BUHAY NINANAIS MO
MAAARI BANG SAMAHAN MO AKO SA PAGTITIMPLA NG MAGIGINGKULAY NG ATING MUNDO
MAAARI BANG MAHALIN MO KO TULAD NG PANTAY NA LINYANG IGUGUHIT KO
HAYAAN MONG TUPARIN KO ANG LAHAT NG SINABI KO
HAYAAN MONG MAHALIN KITA TULAD NG PAGMAMAHAL KO SA OBRA KO
HAYAAN MONG MAGING INSPIRASYON KITA SA LAHAT NG IGUGUHIT KO
HAYAAN MONG ANG PAGMAMAHALAN NATIN ANG MAGSILBING PINAKA MAGANDANG OBRA SA PANINGIN KO
AT MAGING SA BUONG MUNDO
HAYAAN MONG ANG IKAW AT AKO
AY MAGING IISA
AT MABUBUHAY NG MALIGAYA
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
ПоэзияTula ng mga sawi......sa oras ng kalungkutan ,kasiyahan,kiligan....hinding hindi ka bibitawan bagkus bubuksan ang iyong isipan upang tuluyang maunawaan kung bakit sa pagmamahal ay parati na lamang nasasaktan