PANAGPO

78 2 0
                                    

Kay bilis
Ng pagmamahalang na nagmamalabis
Di nagdadalawang isip sa pag lihis
Kapalit ang napakatinding paghihinagpis

Tila isang ibong malaya
Lumilipad pakanan at pakaliwa
Tulad ng mga damong sumasayaw
Ganda ng bulaklak ang tanging natatanaw

Tulad ng along humahampas
Kasabay ng gitarang kinakampas
Tulad ng isang ihip ng hangin
At ang pagtinging ipinagtapat mo saakin

Sa mundoy wala na ngang mahihiling pa
Wala ng nanaising makasama
Ikaw lamang sa umaga
Tanghali't hapunay nais na makapiling ka

Ngunit sa pagibig ngang talagay
May hindi inaasahang tatangay
Ang mawala kay
Talagang nakapagpapalumbay
Ang hindi ka makasamay
Sobrang hirap nasa araw ay sumabay
Tila isang lirikong hundi mahinuha
Bawat galaw sa sayaw na hindi tumama
Tulang nawalan ng tugma
At istoryang hindi matapos tapos sa paglikha
Laking pagkukulang pag ikaw ay nawala

Pero narito ngayon
Nakaupo at ang panyoy nakatalokbong
Ayaw ipakita ang masakit na emosyon
Nilalaban ang sakit na natatamasa ngayon

Dahil alam ko
Lilipas din ito
Alam ko
Na ang ibon ay mapapagod sa paglipad
Tulad ng pangakong hindi natupad
Na ang dahon ay matutuyo
At ikaw at akoy tuluyang maglalayo
Na ang araw ay mabilis na lulubog
Tulad ng bilis sa pagsalubong
Na ang alon ay hihinto
Tulad ng paghinto ng buhay ko sayo
Tulad ng maikling pananatali mo
Tulad ng ng mga pangako
Na tuluyan naring napako
Tulad mo
Na nilisan ang tulad ko
Tulad ko na minahal ang tulad mo
Na sa huli
Hindi rin nakaya pang manatili
At iba ang iyong napili

SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon