Ito na ata ang huling sandali
Na ikaw sa aki'y matatali
Bagay na bagay ang sayaw na aking pinili
Para sa mga oras na nalalabiHawakan mo ang aking kamay
At magsilbing magalang na ginoong umaalalay
Isipin ang bawat indak na ating sinanay
At wag pakaisipin ang nagbabadyang paghihiwalayHawakan ang aking baywang
Na parang sa luha ay walang masasayang
Iindak mo kahit na matigas ang iyong katawan
Masasanay ka rin at gagaling sa sayawanIikot mo ko sa iyong braso
Tulad ng pagikot ng buhay ko sayo
Yakapin mo ako na parang iyong iyo
At wag na munang piliting lumayoPipilitin kong ngumiti
Sa nagbabadyang paghikbi
Sa nararamdamang hapdi
At sa desisyong aking piniliSa kalagitnaan ng ating pagsasayaw
Saglit munang tumigil sa paggalaw
Dahil may nais akong isigaw
Na ang nag iisang mahal ko ay IKAWSa huling linya ng kanta
Di mag dadalawang isip na tumingala
Mga ngiti ay ipapahalata
Kahit ang ibig sabihin nito'y
MAHAL PA RIN KITAiintayin kitang bitawan ang aking kamay
At tuluyan ng humuwalay
Kahit gusto ko pang makasama ka wala paring saysay
Handa nang ang huling salita'y ibigay
Yun lang ang pinahihintay
PAALAM NA

BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PoetryTula ng mga sawi......sa oras ng kalungkutan ,kasiyahan,kiligan....hinding hindi ka bibitawan bagkus bubuksan ang iyong isipan upang tuluyang maunawaan kung bakit sa pagmamahal ay parati na lamang nasasaktan