Saksi ang mga bituin
Kung paano ka naging akin
Kung paano nabigyang sakatuparan ang aking mga panalangin
At kung gaano ito kabilis dingginMga bituing nagpaganda pa lalo sa malalim na gabi
Kung saan ang "oo" tuluyan mo nang nasabi
At ang "mahal din kita" ay nasambit ng mapupula mong labi
Kasabay ang matatamis mong mga ngitiMaging ang mahahabang damo
Ay kinilig sa salitang nasambit mo
Sa nararamdamman kong saya ay sila'y sumabay
Walang tigil sila sa ritmong paghumpayAng madilim na kalangitan
Ang nagpaperpekto ng gabing panandalian
Sya lamang niyang nasaksihan
Ang bagong silang na ating pag mamahalanAng mga kuliglig
Ay parang musika sa ating pandinig
Ang kanilang nakakabingin tinig
Ay nagsilbing romantikong himigSa simpleng lugar naito
At sa simpleng sinag ng mga bituin mula doon hanggang dito
Ay maihahambing sa isang tulad mo
Simpleng tao na nagbigay liwanag sa buhay koAng pangakong binitawan
Ay bibigyang sakatuparan
Hinding hindi ka iiwan
At patuloy kang ipaglalaban, kahit kanino manParang mga bituin at buwan
Umalis man sa pagdating ng araw sa kaumagahan
Ay babalik at babalik parin pagdating ng kinagabihan
Ng hindi nag babago at ang nagyari sa nakaraan at makakalimutanAng aking nag iisa at walang katulad na pagmamahal
Ay parang tubig sa karagatan
Hindi makikita ang hangganan
Lingun lingunin mo manPinaghirapan kong ikay maangkin
Kaya marapat lamang na ikay lubusang mahalin
Pahahalagahan ang akin
At kailanma'y hindi mawawalay saaking pilingDi sasayangin ang gabing pinaghandaan
Kung saan ang kapaligiran
Ang naging daan
Sa pagsambit ng "oo"-ng inaabanganAt ang pagsilay ng munting araw sa kabundukan
Ay sabay nating pag mamasdan
Ito na ang unang yugto ng ating pagmamahalan
Susundan ng magagandang ala ala ang ating nasimulan
Dahil ikaw na ang babaeng magpapaligaya saakin sa habang buhay
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PuisiTula ng mga sawi......sa oras ng kalungkutan ,kasiyahan,kiligan....hinding hindi ka bibitawan bagkus bubuksan ang iyong isipan upang tuluyang maunawaan kung bakit sa pagmamahal ay parati na lamang nasasaktan