Sa tinagal nang panahon
Sa dami nang pakakataon
Sa dami nang pagpipiliang sitwasyon
Sa dami nang magiging rasonRason na magbibigay liwanag
Sa dalawang pusong nabuwag
Rason na magpapaintindi
Sa tuluyang pagkakakalas ng ating taliTali na pinilit kong muliy maibuhol
Basurang muling pinupulot nang dahil sa pagkakatapon
Pagpapabalik ng tamis ng pagmamahalan natin kahaponKahapong mahal mo pa ako
Yung panahong ako pa yung buhay mo
Mga oras na ako yung hinahanap hanap mo
Mga segundong magkasama tayoTayo na aakalain mong walang dulo
Tayo na walang ibang iniisip kundi ang mapagtagal ang relasyong ito
Tayo na hindi iniinda ang sinasabi nang ibang tao
Tayo na tapos na
At hindi na maibabalik paHindi na kailanman
Hindi na at malabo nang muling pagmamahal moy maramdaman
Maging pag asay hindi na pakakakitaan
Nang dahil sa panahong puno nang kamalian
Nung sandaling pareho tayong nasaktanAyaw ko sanang pakawalan ka
Bitawan ka
Kalimutan ka
Pero ikaw na ang parating nagpapaalala
Na ang tayo ay wala na
At hindi na maibabalik paKung dati'y pilit kong binabaliwa iyon
Ni hindi ko kayang isipin yun noon
Pero ngayon nabuo ko na ang aking desisyon
Pero sa huling pagkakataon
Hayaan mong yakapin kita nang lampas sa limitasyon
Iparamdam sayo ang init ng pagmamahal kong hindi nagbabago magpahanggang ngayon
Hayaan mong sauluhin ko ang bawat parte nang muka mo maging ang iyong ekspresyon
Hayaan mong masambit ko ang mga salitang madalas kong sambitin noon
Hayaan mong mahalin kita sa huling pagkakataon

BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
ŞiirTula ng mga sawi......sa oras ng kalungkutan ,kasiyahan,kiligan....hinding hindi ka bibitawan bagkus bubuksan ang iyong isipan upang tuluyang maunawaan kung bakit sa pagmamahal ay parati na lamang nasasaktan