Ang panahong muli tayong magkasama
Sinusulit ang pagtitigan nating dalawa
Ninanamnam ang sandaling tayoy iisa
Pinipigilan ang pagwawakas nang ating pagkikita
Dahil alam kong ito'y magwawakas na
At hindi na masusundan pa
Bahagya ko pang pinilit na magtaka
Ngunit sa aking loob ay naiintindihan kita
Di ko lang maamin talaga
Na sa kilos mo'y may mensaheng pinapakita
Alam kong ilang sandali na lang ay bibitaw ka na
Muli ka nanaman humugot hininga
Tila nangangapa pa
Kung paano mo bibigkasin ang bawat salita
Hanggang sa masambit mo ang mga kataga
At tumalikod na lamang bigla
Napakurap kurap
Kasabay nito ang ulang unti unting pumapatak
At dumadauos os sa aking mga talukap
Kasabay ang pagpatak nang tubig at ang panlalamig na kumakalap
Sakit na lang ang nararamdaman
Sakit na lang
Sakit na akin nang inaasahan
Ngunit hindi sa ganitong panahon at paraan
Sakit na dumalay sa puso kot kumalat sa buong katawan
Sakit na ngayon ko lang naramdaman
At tila lalong nadagdagan
Sa bagsak nang patak ng ulan
Ni hindi kita mahabol sa unti unting paglayo
Pakiramdam ko bumagsak at na basag ang aking puso
Hindi na maramdaman ang pagtibok nito
Hindi na muling sinubukan pang umibo
Kase alam ko ang katotohanang
Habulin man kita ngayon
Pigilan man kitang patuloy na lumayo
Hilahin man kita dito sa kinatatayuan ko
Hindi na magbabago ang desisyon mo
Mulitimo puso moy hindi na magbabago
Maging pagiisip mo'y hindi makarardam nang pagkalito
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PoetryTula ng mga sawi......sa oras ng kalungkutan ,kasiyahan,kiligan....hinding hindi ka bibitawan bagkus bubuksan ang iyong isipan upang tuluyang maunawaan kung bakit sa pagmamahal ay parati na lamang nasasaktan
