PANANDALIANG SAYA

186 1 0
                                    

Panandaliang saya
Panandaliang makakasama ka
Panandaliang pagmamahalan nating dalawa
Panandaliang akin ka
Kung baga pansamantala
Dahil wala sya

Pero sa panandaliang iyoy ibubuhos ang lalahat lahat
Baka sakaling maging sapat
Baka sakaling maisip mo na ako ang karapat dapat
At hindi sya ang sa puso mo'y nararapat

Pero baka sakali lang
Walang kasiguraduhan
Walang magandang basehan
Sa huli panandalian mo lang akong sasamahan
Dahil wala pa ang iyong minamahal
Sa dulo matatapos at matatapos parin sa salitang paalam
Isasawalang bahala ang ating magandang nakaraan
Na sabay nating pinagsaluhan
Habang ika'y nananatiling nakagapos
Sa babaeng minahal  mo ng hindi tapos
At umaasa kang ang ilog ng pagmamahalan nyuy patuloy na aagos
Kahit na matagal naitong natapos

Kaya heto ako patuloy na sumusuporta.
Kahit na ang sakit salit na talaga
Tanggap ko nang wala akong magagawa
Mahal lang kita
Mahal na mahal mo sya
Buhay mo sya
Kaya mamahalin kita ng pansamantala
At lulubusin ko na
Ang panandaliang saya

SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon