TAGPUAN

93 1 0
                                    

Naalala mo pa ba
Ang bawat binibitawan mong matatamis na salita
Bawat masasayang paguusap nating dalawa
Bawat segundong dumaraan nang puno ng kilig at saya
Naalala mo pa ba

Ang lahat ng bagay sa lugar nato ay saksi
Mula sa pag usbong at pasilang ng pagmamahalan nating matindi
Maging sa hindi pagkakaintindihan at naramdaman nating hapdi
Sa twing ninais mong kumala sa ating pagkakatali
Lahat sila ay saksi

Binabalik balikan ko ang lugar na iyon
Hanggang ngayon
Sa mga panahong ako nasaktan
Sa panunod nang sumisilay sayong kasiyahan
Sa piling nang bago mong minamahal
Lahat nang aking dinaramdam
Duon ko binubuhos
Dun ko tinatapos
Dun ko inuubos

Tinanggap ko ang lahat
Inisip na siguroy hindi talaga sapat
Inisip na talang hindi ako karapat dapat
Lahat ay aing tinanggap

Pero mahal
Kung magbabago man ang iyong isipan
Kung maisipan mo mang akoy balikan
Alam mo na kung saan ako pupuntahan
Sa lugar na ating pinag simulan
Sa lugar kung san mo ko binitawan
Sa lugar kung saan mo muli akong masisilayan
Sa lugar na kung saan tayo pinagtagpo
Ang puno nang alaala ,sa ating
TAGPUAN

SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon