Umasa ako sa pangakong habang buhay tayong magkakasama
Umasa ako sa sinabi mong sa pag ibig nati'y hindi mananawa
Umasa ako na ika'y hinding hindi maghahanap ng iba
Umasa ako na mabubuhay tayong sapat na sa isat isa
Umasa ako na ako'y sa piling mo ay liligaya
Umasa ako na sa araw araw ikaw ang lagi kong makikita
At ikaw ang magiging dahilan kung bakit ako masayaUmasa ako
Oo, umasa ako dahil mahal kita
At dahil din sa "dahil mahal kita"
Dun ko mas malinaw na nakita
Na ang pag ibig moy magwawakas din pala
Na hindi sapat ang mahal kita
Para tumagal ang tayong dalawaPero
Umasa ako sa pag asang mag babago ka
Umasa ako na na ako'y mamahalin mo pa
Tulad ng pagmamahal mo noong unaAt hanggang ngayon
Lumipas man ang panahon
Tumigil man ang dagat sa pag alon
Mabutas man ang aking pantalonPatuloy parin akong aasa
Na mamahalin muli natin ang isat isa
Hindi papansinin ang sinasabi ng iba
Mabubuhay ng tahimik at masagana
Dahil ang salitang MAHAL KITA
Sa panahong iyon ay magiging SAPAT NA
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PoesiaTula ng mga sawi......sa oras ng kalungkutan ,kasiyahan,kiligan....hinding hindi ka bibitawan bagkus bubuksan ang iyong isipan upang tuluyang maunawaan kung bakit sa pagmamahal ay parati na lamang nasasaktan