Mahal, nangako kang ako'y hindi mo sasaktan
Nangako kang hindi ako iiwan
Nangako kang ako'y hindi mo bibitawan
Nangako kang habang buhay tayong magmamahalanHindi mo ako binigo
Hindi mo ako pinagpalit sa taong mas ok sayo
Hindi mo ako niloko
Pero di mo tinupad ang habang buhay na tayoNandito ako ngayon sa silid ng katahimikan
Puno ng tao ang lugar na tinipunan
May humihikbi
My labis na nakararamdam ng hapdi
Meron din namang natutulala pa sandaliAt isa ako sakanila,naghihinagpis,namumuhi at sobra sobrang nasasaktan
Kase mahal
Hindi dapat ang halimuyang ng bulaklak ang aking malalanghap
Hindi ang larawan mong nasa langit ang aking masusulyapan
Hindi ang kandila ang aking matititigan
Hindi ang puting kurtina ang dapat na kanilang mamamataan
Hindi ang kabaong mo ang aking hahagkan
Hindi ang puting lapida ang aking mahahawakanHaharap tayo sa altar hindi dahil sa basbas ng iyong paglisan
Kundi ang pagiisang dibdib natin sana sa ating kasalan
Hindi ang papel ng pagkawala mo ang dapat na aking pipirmahan
Kundi ang rehistro dapat ng ating pagmamahalanHindi dapat ang elihiyang ito ang aking mababasa
Kundi ang love letter mong puro patama
Hindi dapat sa ganitong paraan ang luha ko'y papatak
Kundi sa nararamdaman kong saya at galakPero kahit ganoon mahal
Ikaw parin sa gabing ito ang pinakagwapo
Sa puso ko talaga sayo'y walang tatalo
Ang pogi mo parin sa soot mong puting polo
Kahit ganoon mahal hindi ka parin nababagay ditoBakit naman kase mas pinili mo pang sa kabaong mahiga
Gayong sa ating bahay ay may naghihintay na kama
Bakit mo naman mas piniling sa langit mapunta
Eh may paraiso namang sa ati'y nakatalaIlang panyo na ang aking nabasa
Dahil sa walang tigil na pag luha
Sa walang kasawaang pagmamakaawa
Na ang buhay mo'y ibalik , at muling makasamaKase mahal kay sakit ng iyong pagkawala
Dito lang ako hindi naging handa
Ang makita kang sa kabaong ay nakahilata
Ang bumibiyak at sumisira sa'akin ng sobra sobraMahal di ko kayang tanggapin ang salitang paalam na
Kase hindi pa ako handang sa piling ko ay ika'y mawala
Diba gagawa pa tayo ng masaganang pamilya
Na ang apelyido mo ang magdadalaMas matatanggap ko pa atang ika'y mangaliwa
Dahil sa akin ika'y nagsawa
Baka sa kaling pag nahigitan ko sya
Saaki'y bumalik ka na
Mamumuhay sana tayo ng masaya
Kaso hindi
Lumisan ka na ng tuluyan
Yung wala ng balikan
Yung wala ng ikaw na muling mahahagkan
Yung wala ng ikaw na muling iiyakan
Kase ito na ang huli na ang muka mo'y masusulyapan
Yung hindi lang sa larawan
Sa panaginip nalang kita muling mahahagkan
Aking minamahal
Paalam

BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PoetryTula ng mga sawi......sa oras ng kalungkutan ,kasiyahan,kiligan....hinding hindi ka bibitawan bagkus bubuksan ang iyong isipan upang tuluyang maunawaan kung bakit sa pagmamahal ay parati na lamang nasasaktan