Kamalian
Na ang hirap pagsisihan
Na mahirap bawiin at muling simulan nang kabutihan
Na ang hirap hingan ng kapatawaran
Pilit ka lang huhusgahanYung tipong kapwa mo na ang magbababa sayo
Yung tipong para kang hindi tao
Para kalang basura sa mundo
Yung tanging makikita lang nila ay ang mali moWala kang karapatang ipaglaban ang sarili mong saloobin
Sapagkat iyo palang sasabahin
Inaalisan ka na nang karapatang dinggin
Hindi ka nila papansinin
Mali mo lang ang kanilang pupuruhinGanito na kasaklap ang mundo
Walang kang ibang paraan para patunayan ang sarili mo
Na kahit hindi nila alam ang tunay na nangyari
Sinasakal ka na nila nang panali
Pinipigilan ka nang huminga
Pagkakaitan ka lang nang awa
Kailan man sa mata nilay hindi ka magiging tamaTalak dito
Talak duon
Kwento na minsay pang barbero
Kwentong nakuha mo lamang sa kanto
Kwentong narinig mo lang kay manong na nagtitinda nang sigarilyo
Yung kahit hindi ka nakasisiguroy
Pinaniniwalaan moWalang puwang ang kasiguraduhan
Sa mga bibig at kanser sa lipunan
Puputak lang at makikipaghuntahan
Kahit na wala naman silang alam
Magpapadala sa galit nang karamihan
At kanila ding huhusgahanMinsan ba nag iisip kayo
Yan bay ikinayayaman nyo?
Iyan bay ikinabubuti nyo?
Kung humingi ba ako nang rason
Kung bakit
Bakit ganyan kayo
Mabibigyan nyu ba ako nang mahigit sa sampoNaiisip nyu bang mas mali kayo
Mas masama ang ginagwa nyo
Mas kasalanan ang husgahan ang isang tao
Lalo nat hindi naman kayo inaano
Ikinagagaan ba yan nang konsensya nyo
Yung tapakan sila
Yung paulit ulit nilang makaranas nang pagdurusa
Yung sisihin sila sa mali nilang ginawa
Kahit hindi nila sinasadyaKayo ba
Hindi ba kayo nag kakasala
Nililigo nyo naman ata
Ang agua
Nililinis nang alkohol
Ang marurungis nyung kamay
Na daladala ang mali nyu sa buong buhay
Ang samang nanalaytay sa dugo nyoy talaga namang inyong tinataglay
Ganyan ba kayo kalinis
Na ang bawat maling pangyayariy sautak nyoy hindi maalis
Ganyan ba talaga kayo?

BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PoesíaTula ng mga sawi......sa oras ng kalungkutan ,kasiyahan,kiligan....hinding hindi ka bibitawan bagkus bubuksan ang iyong isipan upang tuluyang maunawaan kung bakit sa pagmamahal ay parati na lamang nasasaktan