PASASALAMAT KAY INAY

394 2 0
                                    


Sya yung taong kinamulatan ko

Nung nabuhay ako sa mundo
Sya yung taong pinasasalamatan ko
Sya yung taong may alam ng buong ako
Sya yung kahit anong mangyari tanggap ako
Minsan lang natin sila pinasasalamatan
Di rin natin masyado sinasabi kung gano natin sila kamahal
Pero pagdating sa problema sila ang ating takbuhan
Walang kung anu ano agad nila tayong dadaluhan
Ma, dito sa poetry-ng ito ko sisimulan
Ang pagtatapat ng natatago kong pagmamahal

Ilang taon mo akong inalagaan
Kaytagal mo akong pinagtyagaan
Binigay lahat ng pangangailangan
Pinuno ang aming puso ng iyong pagmamahal
Kahit minsa'y pagod ka na pero patuloy kaming ginagabayan
Kahit na galit ka na , pagmamahal moy d nababawasan
Kahit na minsay walang wala ginagawan ng paraan
Maibigay lang ang aming pangangailangan

Ang dami nyu ng sinakripisyo
Kahit hirap ka na, pilit binibigay ang aming gusto
Kahit minsa'y nawawalan na kami sa inyo ng respeto

Ma,tanda mo pa ba
Yung oras na galit na galit ka
Kase sinasagot kita
Pinipilit kong mali ka
Kahit alam kong may punto ka naman talaga
Akin po yung naiintindihan
Gusto nyo lang naman na malihis ako sa kasamaan
At mipadpad sa tamang daan
Gusto nyo lng naman imulat ang aking isipan
Sa mga bagay na pilit akong nagbubulagbulagan

Gusto po kitang pasalamatan
Sa pag tatama saaking kamaliaan
Sa patuloy na pagaaruga at pagmamahal
Sa pag bibigay saakin ng mgandang kinabukasan

At ngayong inyong kaarawan
Gusto kong mapasaya ka kahit ngayon nalamang
Gusto kong mapangiti ka kahit sa simpleng poetry manlang
Gusto kong iparamdam kung gaano po kita kamahal
Napakaswerte ko at ikaw ang aking magulang
Salamat sa lahat
Sa pagmamahal na sapat
Sa pag aaruga mula noon hanggang ngaun
Mahal na mahal po kita
maligayang kaarawan
Sanay iyong nagustuhan
Ang pamamaraan ko para maparamdam ang aking pagmamahal

SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon