Isang piso
Tama
Dun ko maihahambing ang isang tulad ko
Isang piso na binitawan ng isang tao
At hindi na muling nilingon
Dahil sa liit ng halaga nitoIsang dekadang dinadaan daanan lamang
Hindi mabigyan ng halaga manlang
Hindi nililingon kahit isang pasadahan
Hindi kinikilala sapagkat piso lamangNgunit ang lahat ay nagbago
Nang dumating isang tulad mo
Isang tulad mo na pinahalagahan ang tulad ko
Kahit na alam mong maliit na bagay lamang akoNung mga hanahong yun
Wala g sino man ang nakakahawak sa isang tulad ko
Hindi pinagpapalit sa ibang bagay multimo bago
Hi di mo hinahayaang paglaruan lamang ako
Ng mga taong naglalaro sa lansangan
Ni dumiy hindi mo ako binahidan
Hindi mo ko pinamigay kahit kanino manNgunit talagang ang buhay ay masyadong totoo
Unti unti'y pinamumuka na ang liit ng halaga ko
Unti unti'y inaatim kang bumili ng bagay na magagamit mo
Bitawan at kalimutan ako
Kapalit ng kung sinoSa pagkat inalok kang ipagpalit ako sa taong mas maganda
Yung tipong mas mataas sa antas na aking pinapakita
Binubulag ka ng kanyang nakabibighaning itsura
At sa huli ay nakuha ka nya
At nagpakuha kaNaiwan akong mag isa
Pinagpalit sa ibang mataas na pera
Pinagpalet sa pagkat maliit lamang at kung minsay wala pang halaga

BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PoetryTula ng mga sawi......sa oras ng kalungkutan ,kasiyahan,kiligan....hinding hindi ka bibitawan bagkus bubuksan ang iyong isipan upang tuluyang maunawaan kung bakit sa pagmamahal ay parati na lamang nasasaktan