Ni minsan hindi ako nag bilang
Nagbilang ng pagkakataong ako'y iyong nasasaktan
Sa pauli ulit na sakit na iyong pinararamdam
Kailan may hindi ako nangialamHinayaan lang kita
Hinayaan lang kita na gawin ang lahat na sayoy magpapasaya
Hinayaan kita kahit kapalit niyon ay ang aking pagdurusa
Hinayaan kitang paglaruan ang damdamin ko
Maging ang pusot kaluluwa ko
Hinayaan kita dahil mahal kitaIsinantabi ang sakit
At pilit na hinigpitan ang pagkapit
Isiniksik sa utak ko ang kapalit nang sakit ay ang pananatili mong malapit
Kahit alam kong susuko na ko sa isang pitikNaiisip ko kase na sayang
Sayang ang alalala kung tuluyan nakitang susukuan
Sa yang ang matamis na pagmamahalan kung tuluyan na kitang bibitawan
Sayang ang panahon na ikay pinaglaban kung sa hulit tuluyan din kitang aayawan at kakalimutan
Sayang lang ang lahat
Kung magpapadala ako sa sakit na aking nararamdamanPero isang sandali
Hindi ko na nabigilan mapakbi
Sa sobra sobrang nararamdamang hapdi
Nang hindi ko na makayanan
Ang mga bagay na aking namamataanDun ko sinimulang magbilang
Magbilang kung ilang beses na ba akong naging masaya
Kung bakit hindi pa kita kayang ipaubaya
Kung bkit hindi pa kita kayang iparaya...
Kung bakit hindi ko pa nagawang bitawan ka noon pa
Dahil sumosobra na
Masakit na
Hindi ko na kayaTama na
Tama na ang lahat ng sakit
Tamana na ang pananahimik
Wakasan na ang dapat ay wala na
Sukuan na ang dapat ay sinukuan na matagal na
Tama na...mahal
Paalam na
Sobrang wasak na
Nang puso kong walang ibang ginawa kundi ang mahalin ka
Ang pabalikin ka
Ang intindihin ka
Ang ipaglaban ka
Ang magtiis sa sakit na hindi ko naman dapat nadadama
Ang sakit sakit na tama na
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PuisiTula ng mga sawi......sa oras ng kalungkutan ,kasiyahan,kiligan....hinding hindi ka bibitawan bagkus bubuksan ang iyong isipan upang tuluyang maunawaan kung bakit sa pagmamahal ay parati na lamang nasasaktan