Malalim na gabi
Habang tayoy magkatabi
Walang kibuan
Parehong nakatitig sa kawalan
Laman ng isipan ay di malaman
Ramdam kong ikaw at akoy parehong nasasaktanSalita sa bibig ay walang mamutawi
Tanging ang naririnig lamang ay ang aking palihim na paghikbi
Sa di mapigilang hapdi
Sa puso koy sakit ang nararamdamang muliNagkakapaan ng salitang isasambit
Makaimik ng kontiy pinipilit
Maaari bang maramdaman kong muli ang yakap mong mahigpit
Maari bang bawasan mo ang sakitSakit ng pamamaalam
Sakit na sanhi ng desisyon mong akoy bitawan
Sakit na hindi ko inaasahan
Na sayo ko mararanasan
Sakit na paulit uli na lang
Maari mo bang bawasanHihilingin ko na lahat ng aking gusto
Dahil ito na ang huling pagtatagpo
Ang huling makikita ko ang ikaw na minahal ko
Ito na nga siguro ang tunay na dulo
Ito na nga ata ang huling minuto
Ang mabilis na paglipas ng segundo
Dito na nga ata matatapos ang tayo
Ito na yata ang huling pagkikita ni ikaw at ako
Ang maysakit pa
Nasasaktan ako
Kahit na alam kong kahit kaylay hindi kita natamo
Wala naman talagang tayo
Dahil kaibigan mo lang ako
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PoesiaTula ng mga sawi......sa oras ng kalungkutan ,kasiyahan,kiligan....hinding hindi ka bibitawan bagkus bubuksan ang iyong isipan upang tuluyang maunawaan kung bakit sa pagmamahal ay parati na lamang nasasaktan