Nangakong pang habang buhay
Pangakong hindi ako iiwan
Pangakong bibigyan sakatuparan
Pangakong sa duloy ikaw at ako lamang
Umabot tayo ng taon
Tila hindi inalintana ang paglipas ng panahon
Nilabanan ang problema sa ating relasyon
Hindi sinayang ang bawat pagkakataon
Ngunit ang pagmamahalan at tila ba isang nobela
May nga panahon talagang hindi natin maunawaan ang isat
Hanggang isang araw tinamaan ka ng pananawa
Isang araw ninais mo na ring makawala
Nanghnayang sa taon
Muliy humingi ng pahkakataon
Ngunit sa lagay ng ating sitwasyon
Wala na ang tamis ng pagmamahalan natin noon
Labis pa kitang mahal
Ngunit saiyoy hindi ko malaman
Malalim pa ba ang pagtitinginan
O ang tanging nagmamahal ay ako na lamang
Mahal hindi sapat ang mahal lang kita
Hindi ko kayang lumabang mag isa
Suportahan ang pagmamahalang iyo ng binabali wala
Wala akong kapangariahan para itoy mapasariwa
Hindi sasapat ang aking kakayanan
Kung ako na lamang mag isat di mo kayang samahan
Kung ako na lamang ang natatamisan sa pagmamahalan
Kung ako na lamang ang gagawa ng paraan
Para maisalba ang papalubog na barko ng ating samahan
Hindi sasapat

BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PoesiaTula ng mga sawi......sa oras ng kalungkutan ,kasiyahan,kiligan....hinding hindi ka bibitawan bagkus bubuksan ang iyong isipan upang tuluyang maunawaan kung bakit sa pagmamahal ay parati na lamang nasasaktan