Marunong naman akong makuntento
Kelan man ay di ako nagreklamo
Sa kapiranggot na atensyon mo
Kahit di sapat na mapaligaya ako nitoAlam mo namang mahal kita
Kaya sa akin ang kulang ay sapat na
Pero minsan ay di ko na talaga kinakaya
Di ba pedeng angkinin na lang kitaAno mo ba ako?
Daig pa ako ng mga kaibigan mo
Sayo lang lagi ang atensyon ko
Pero ang atensyon mo ay sa kaibigan mo lang pumupuroPero wala kang narinig na anuman
Ano mang reklamo na hindi mo maiintindihan
Kahit sobra na sinasabi kong"ok lang yan"
Kahit sobra na talaga akong nasasaktanKung talagang ganyan ka na
Di naman sa iiwan na kita
Gusto ko lang ng mahabang pahinga
Pahinga na sasagot sa tanong na" kung itutuloy ko pa ba?Di ko alam kung masasaktan ka
Kasi unti unti kong nalalamang manhid ka na
Di mo ba naiisip na ang oras mo'y kulang na kulang pa
Kung baga sa pag sasaing ay hanggang pag kulo lang palaPano kaya kung di ko na kayanin
Baka pati sarili mo'y di mo na kayang intindihin
Sana sa paglisan ko'y maisip mo na kaya pa kitang mahalin
Pedeng pede ka pa ring bumalik sa akinYung ang oras at sarili mo ay pede ko ng angkinin
Pero ngayon kaya ko pa
Kaya ko pang mahalin ka
Kahit ang oras mo'y pansamantala
Atleast naipakita ko na ang pagkukulang mo sa aki'y SAPAT NA
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
ŞiirTula ng mga sawi......sa oras ng kalungkutan ,kasiyahan,kiligan....hinding hindi ka bibitawan bagkus bubuksan ang iyong isipan upang tuluyang maunawaan kung bakit sa pagmamahal ay parati na lamang nasasaktan