Chapter 1.4

3.2K 55 0
                                    

IWINAKSI niya ang kamay na hawak-hawak ni Rafael nang makalabas sila ng bahay ng mga ito. Galit niya itong hinarap. “What the hell are you doing here, Rafael?!” galit na galit na tanong niya dito. Anong ginagawa nito sa isang bahay kasama ang fiancée ng kakambal nito? Sweetheart? Tama ba ang narinig niyang tinawag nito si Ashlee ng ganoon? Gusto niyang malaman kung ano ang nangyayari! Nasaan na si Raffy?!
Hinawakan siya nito sa balikat. “Look, Arrhea. Listen, this is just a charade. I have to do this for Raffy, hanggang sa maayos niya lang ang problema ng agency niya sa Seoul.”
Marahas niyang ini-iling ang ulo. “This is absurd, Rafael! How can you do this? I can’t believe na nagpagamit ka sa kalokohan ng kakambal mo!”
“I have no choice, he’s still my brother,” pagdadahilan pa nito.
Umismid siya. “Pareho nating alam na hindi lang iyon ang dahilan kung bakit ka pumayag sa kalokohang ito!” Kilala niya ito. Alam na alam niya ang lahat-lahat tungkol dito, pati ang takbo ng isip nito.
Namuo ang mga luha niya nang makita ang kalungkutan sa mga mata nito. “Please, Arrhea, minsan lang ako humingi ng pabor sa’yo. Just keep this a secret.”
Hindi niya na pinigilan ang pagdaloy ng sariling luha at niyakap ito ng mahigpit. Naramdaman niya ang pagkagulat nito sa ginawa niya. “I miss you so much, Rafael,” napahikbi siya. “Hindi mo dapat ginagawa ito sa sarili mo.”
Inilayo nito ang katawan sa kanya. “I’m counting on you, Arrhea. Just this once,” pagkasabi noon ay pumasok na ito sa loob ng bahay. Tumakbo siya patungo sa kanyang sasakyan habang patuloy pa rin sa pag-iyak.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 5: Raffy ChoiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon