“IT’S nice working with you, Arrhea,” ani Michael de Angelo sa kanya. Halos naubos nila ang buong araw sa pag-shoot ng commercial advertisement na iyon.
“Same here,” nginitian niya ito. He was a very kind and gentle person, idagdag pa ang katunayang napaka-guwapo nito. Ang asul na mga mata nito ang unang mapapansin kapag nakita ito.
Tinapik nito ang balikat niya at bumalik sa sarili nitong upuan. Napansin niyang parang may hinihintay ito dahil kanina pa patingin-tingin sa hawak na cell phone. Nagkibit-balikat na lang siya at lumabas na ng set. Gusto niya namang makalanghap ng sariwang hangin. Pagod at nahihilo na siya dahil sa walang-tigil na filming. Hinawakan niya ang noo. Masama kung magkaroon siya ng lagnat ngayon, gusto niya pa namang ma-enjoy ang stay niya dito sa New York.
Napatigil siya sa paglalakad nang makita niya si Raffy. Naglalakad ito palapit sa kanya pero mukhang hindi pa siya nito napapansin dahil parang may hinahanap ito.
“Raffy!” tawag niya at kumaway nang tumingin ito sa kanya.
Lumapit ito sa kanya at ngumiti. “Tapos na ang shoot mo?” tanong nito.
Tumango siya.
“Great,” muli nitong iginala ang paningin. Sumulyap ito sa suot na relo bago muling tumingin sa kanya. “Five-thirty pa lang. Gusto mo bang mag-sightseeing sa Rockefeller Square?” May pag-aalangan pa sa tono nito. Hindi siguro ito sigurado kung papayag siya sa alok nito.
Hindi niya rin inaasahan ang alok na iyon mula dito, lalo na at alam niyang napaka-busy nito. Tumingin siya dito at ngumiti. “Bakit hindi?” tugon niya.
Sa tingin niya ay may nakita siyang kislap ng kasiyahan sa mga mata nito sa pagpayag niya pero mabilis niya rin iyong inalis sa isipan. Nagkakamali lang siguro siya.
Tumikhim ito. “Gusto mo bang magpalit muna ng damit o ano?”
Umiling siya. “Hindi na, kukunin ko na lang ang coat ko kay Da Seul ‘tapos puwede na tayong umalis.”
Tumango ito. “Uhm… puwede bang hintayin mo ako sandali?” tanong nito.
Napatingin siya dito.
“Kailangan ko kasing kausapin si Stacey,” pagpapatuloy nito. “Sa tingin ko kasi nakita ko siya dito kani-kanina. Ayos lang ba?”
Stacey? So, ito pala ang kanina pa nitong hinahanap? Wala siyang ibang magagawa kundi ang tumango. “Sige.”
Nagpasalamat ito at umalis na para hanapin si Stacey. Hindi niya maipaliwanag kung bakit may parte niya ang nalungkot sa pag-alis nito para sa iba. Bumuntong-hininga siya at sumandal sa dingding. Gaano kaya ito katagal doon?
Nasa malalim siyang pag-iisip kaya hindi niya na napansin ang pagtabi ng manager niya sa kanya. Nagulat na lang siya nang mapalingon dito. “You scared me,” she hissed.
Napailing ito. “What were you thinking?” pang-uusisa pa nito.
“Nothing, I’m just tired,” napaubo siya. Masama na ito, naisip niya. Hindi puwedeng magka-sakit siya ngayon.
“Are you sick? You look pale,” nag-aalalang tanong nito sa kanya.
Umiling siya. “Just tired,” pilit niya. Ayaw niya ng pag-alalahanin pa ito, mukhang madami na rin itong ginagawa at inaalala. Narinig pa niyang may problema daw ang pamilya nito kaya kung maaari naman ay ayaw niya ng dagdagan pa ang mga pasanin nito.
Inabot nito sa kanya ang kanina pa nitong hawak na black-leather coat niya, ganoon din ang scarf at cap niya. “Put these on and let’s go back to the hotel so you can rest and take medicine,” utos nito.
Isinuot niya ang coat at scarf. Hinawakan niya lang ang cap at tumingin dito. “You can go back to the hotel first, Da Seul-ah,” aniya.
Kumunot ang noo nito. “And you?”
Nag-alinlangan pa siya bago sumagot pero kailangan. “I’m going sight-seeing,” inayos niya ang buhok. “In Rockefeller Square…” Magpapatuloy pa ba siya? Oo, dapat lang. Manager niya ito at kailangan nitong malaman. “With… Raffy.”
Lalong lumalim ang pagkaka-kunot ng noo ng manager niya. “With Mr. Choi? He’s here? Why?”
“It’s not like— he offered me to,” nagsimula na siyang mautal. Anong sasabihin niya? Ayaw niyang mag-isip ito ng kung ano. “We— He’s here for business and he wants to see Rockefeller and…” napabuntong-hininga siya. “That’s just it.”
Nakita niya kung paanong pilit na itinatago ng manager niya ang pag-ngiti.
“There’s nothing wrong with that,” depensa niya pa.
“I know,” iiling-iling pa ito. “Seems like you’re really important to Mr. Choi.”
“Important?” hindi-makapaniwalang ulit niya. Siya?
Bigla ay naging seryoso ang mukha ni Da Seul. “You know, when you are important to a person, he will always find a way to make time for you, without excuses or anything. I’ve known Mr. Choi for being a hardworking businessman, though he’s being too much,” ngumiti pa ito. “Putting aside his work and going sight-seeing with you means you are important to him.”
Hindi niya napigilan ang mapatawa sa sinabi nito. Napaka-imposible noon! Umiling siya. “You’re wrong. He’s just being good to me ‘cause I suggested that we should get along well. And I told you, he came here for business. It’s just pure coincidence, got it?”
Tumango na lang ito, pero malinaw na hindi pa rin ito kumbinsido. Bakit ba ito nag-iisip ng ganoong mga bagay? Imposible ang mga bagay na iyon.
Magsasalita pa sana siya nang nagmamadaling lumabas si Michael de Angelo ng set. Nasa mukha din nito ang matinding pagkainis. Napaisip siya kung ano ang nangyari sa loob. May nakaaway ba ito?
Muli siyang napatingin kay Da Seul nang tapikin siya nito at nagpaalam. Tiningnan niya ito ng masama hanggang sa makaalis ito. Gusto niya pang itama ang iniisip nito pero natanaw niya na si Raffy papalapit sa kanya.
Lumakad siya para salubungin ito. “Nakausap mo na siya?” tanong niya.
Umiling ito. “Hindi ko siya nakita,” napaisip pa ito. “Sigurado ako na siya ang nakita ko kanina.”
Ngumiti siya. “Ano namang gagawin niya dito?”
Nagkibit ito at ngumiti. “Tara na?”
Tumango siya. Hindi niya maikaila na nakakaramdam nasasabik siyang makasama ito. Hindi niya alam kung bakit.
Bago ito lumakad ay kinuha muna nito ang cap na hawak niya at isinuot iyon sa kanya. “Precautions,” bulong nito.
Tumawa siya at sabay na silang naglakad palabas ng building.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 5: Raffy Choi
Romans"Bakit kung anong pinaka-gusto mo ay hindi mo makuha?" tanong niya dito. Naparami na yata ang nainom niya kaya nagawa niyang makipag-usap sa taong ito. Arrhea Aguirre, a very famous model and actress in South Korea. Hindi niya kailangan ang pagigin...