Chapter 13.1

2.8K 45 0
                                    

THE Rainbow Fountain of the Banpo Bridge was really a very spectacular view. Hinding-hindi siya mapapagod na pagmasdan iyon.
“It’s really beautiful,” aniya at tumingin kay Raffy. Nakatingin ito sa kanya bago nito ibinalik ang tingin sa tulay.
“Makikita mo ‘yan sa condominium place, along with the lights of the city,” sabi nito.
“Talaga?” na-intriga siya. “Malapit dito ang condominium place mo?”
“Hindi naman ganoon kalapit,” muli itong tumingin sa kanya. “Minsan lang akong pumunta doon, mas malimit kasi ako sa mansiyon tumutuloy. Mas malapit kasi iyon sa agency.”
Napatango siya at napaisip. Naririnig niya ang tungkol sa Choi Mansion na nasa gitna ng Seoul, pero hindi pa siya nakakarating doon. Wala naman talaga siyang pakialam doon noong una, pero curious na siya ngayon sa kung anong itsura niyon.
“That’s really wonderful,” komento niya. “Ang mag-may-ari ng isang lugar kung saan maaari mong makita ang ilaw ng buong lungsod. Katulad sa Namsan Tower, sa pinakamataas na restaurant doon,” napanguso siya. “Gusto ko ulit bumisita sa Namsan Tower. Matagal-tagal na din nang huling makapunta ako doon.”
“Kapag nagkaroon ka ulit ng off sa schedule mo, dadalhin kita doon,” alok nito.
Excited siyang napatingin dito. “Talaga?” lumawak ang pagkakangiti niya. “Salamat.”
Tumango lang ito.
Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa kanila. Nakatitig lang siya sa tulay ng mahabang sandali. Nagpalit na ang kulay ng fountain sa tulay ng asul mula sa berde.
“May sakit ka pa ba?” pagbasag nito sa katahimikan.
Sumulyap siya dito at tinatamad na ngumiti. “Wala na,” sagot niya. “Bigla ko lang naalala si Rafael,” dagdag niya sa mahinang boses. “Ito ang huling lugar na magkasama kami.” Ang lugar kung saan ipinagtapat niya ang pag-ibig para dito subalit hindi nito tinanggap.
Mas mahaba na ang katahimikang bumalot sa kanila ngayon kaysa kanina. Sumulyap siya dito pero nanatili lang itong tahimik. Niyakap niya ang sarili, medyo lumalamig na pero nanatili pa rin siyang walang imik.
“Lumalamig na,” pagbasag nitong muli sa katahimikan. “Tara na,” pagkatapos ay lumakad na ito palayo.
Nakagat niya ang pang-ibabang labi. Gusto niya pang manatili ng ilang sandali pa pero hindi niya magawang sabihin dito. Baka kasi may importante pa itong gagawin kaya sinundan niya na lang ito hanggang sa kinapaparadahan ng sasakyan nito.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 5: Raffy ChoiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon